Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Billy Crawford, topless sa 2008 Cosmo Bachelors

Billy Crawford, topless sa 2008 Cosmo Bachelors

ANG galing umiwas sa maiintrigang tanong ng Bench mogul na si Ben Chan nang pagkumpulan siya ng press sa official launch ni Billy Crawford bilang newest endorser ng Human (sister company ng Bench) kamakalawa sa TriNoma Activity Center.

Ang safe na sagot ni Ben sa mga humihingi ng reaksyon niya hinggil sa Bench underwear show brouhaha ay, “Pag-usapan na lang natin ang Human at si Billy, thank you!” sabay tawa.

Ayon kay Ben, kaya sa Human nila napili si Billy at hindi sa Bench ay dahil ang style ng pananamit ni Billy ay very Human.

Karagdagan ang Fil-Am pop artist sa Human endorsers na sina Luis Manzano, Rico Blanco, Rivermaya at Isabel Diaz-Daza (anak ni Gloria Diaz).

***

Sabi ni Billy nang makausap namin, hindi niya in-expect na kukunin siya ng Human dahil nakikita niya lang noon ang mga billboard nito at hindi talaga siya model kundi performer.

“Nagulat na lang ako nu’ng tinawagan nila ako. So, it’s a pleasure na nandito ako. Now that I’m representing Human, sobrang excited ako,” bulalas ni Billy, na first time na nagsuot ng skinny jeans nu’ng Human launch kaya medyo nanibago raw siya.

Nali-link ngayon si Billy sa co-host niya sa Pinoy Dream Academy na si Nikki Gil. Inamin niya sa aming luma­labas sila ni Nikki kasama ng ibang kaibigan, pero hindi niya raw nililigawan ang morenang singer-host.

“Sobrang mabait si Nikki at masaya kami ‘pag magkasama. But no, I’m not courting her. May ligaw pa ba? Naku, ang yabang! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

Kasama si Billy sa 10 Celebrity Centerfolds ng 2008 Cosmo Bachelors at tapos na ang kanyang sexy pictorial na nag-bare top siya.

Nahiya raw siya sa ginawa niya dahil never pa siyang nag-pose nang gano’n.
Nag-away pa raw sila ng manager niyang si Arnold Vegafria dahil doon (pero mas lambing daw ‘yon kesa away), pero after the Cosmo shoot ay happy siya sa resulta ng pagta-topless niya.

So, isa na siyang sex symbol ngayon?
“Hindi, I’m only human. Hindi ako sex symbol!” natatawang hirit sa amin ni Billy.
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ng tatay-tatayan niyang si German Moreno na ma­laki ang tampo sa kanya (dahil sa paglipat niya sa ABS-CBN). Masyado raw kasi siyang busy at tila hirap pa siyang humanap ng tiyempo.

“To be honest with you, gusto ko talaga siyang kausapin. So, Ku­ya Germs (sabay tingin sa mga nakatutok na TV cameras), kung na­nonood man kayo, pwede po, mag-usap na lang po tayo? Mas maganda, ‘yun na lang,” sambit pa ni Billy na lilipad na ulit pa-Europa sa Setyembre 17.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: