Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Billy Crawford too busy to get into a relationship

Billy Crawford too busy to get into a relationship

Billy Crawford too busy to get into a relationship
Eksakto ang paglabas ni Billy Crawford sa Grams restaurant sa ABS-CBN loop last night para magsigarilyo pagkatapos mag-dinner, kasama ng kapwa niyang host sa Pinoy Dream Academy at nali-link sa kanya ngayon na si Nikki Gil. Kasama ring nag-dinner nina Billy at Nikki si Luis Manzano at iba pang production people ng ABS-CBN.

"Hindi kami magkasama [ni Nikki]. I came from hosting the showbiz segment on ‘TV Patrol.' Wala kasi ang star patroller nila, si Phoemela [Baranda]. Then, galing naman sila [Luis and Nikki] sa MYX," esplika ni Billy sa amin.

Siya na ba gabi-gabi ang magho-host ng "Star Patrol" segment ng TV Patrol World?

"Ah, no," tanggi ni Billy. "Just tonight and I don't think I can do it again."

NO GIRLFRIEND FOR NOW. Kumusta sila ni Nikki?

"We're friends, just like what I said before. And I think it will be hard for me to have a relationship right now," lahad ni Billy.

Most of the time daw kasi ay palipat-lipat siya ng bansang pinupuntahan. Gaya na lang sa susunod na buwan, babalik na siya sa U.S. para ipagpatuloy ang paggawa ng kanyang album. Although, susubukan daw niyang magpaalam kung puwede siyang makabalik ng Pilipinas every two months.

Kinumpirma rin ni Billy na matagal na siyang walang girlfriend. The last time he had a girlfriend ay nung nasa States pa siya. When he came home to the Philippines, he just got off from a breakup sa kanyang girlfriend sa U.S.

"No third party involved," sabi ni Billy sa dahilan ng breakup nila.

Nagulat kami nung sinabi ni Billy na ang dahilan ng breakup nila nung last girlfriend niya sa U.S. ay nung nalaman niya na yung girl ay natulog na katabi ang dalawang male dancers.

DADDY'S CANCER. Nabanggit din ni Billy na babalik na ng Pilipinas ang kanyang ama na naka-base sa Texas. Malungkot na kinuwento ni Billy na may cancer sa lalamunan ang kanyang daddy.

"Naoperahan na siya dati pero bumalik, e," malungkot na sabi ni Billy.



Source: PEP

Dito na raw sa Pilipinas magpapagaling ang kanyang daddy para makasama ng kapatid ni Billy. Mag-isa lang daw kasi sa Texas ang daddy niya and it's not good na walang titingin sa kanya doon. Billy's dad is 71 years old.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: