Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 10, 2008

Bernard Palanca is now "ready and willing to work again" after separation from Meryll Soriano

Bernard Palanca is now "ready and willing to work again" after separation from Meryll Soriano

Bernard Palanca is now "ready and willing to work again" after separation from Meryll Soriano
Bernard Palanca was hardly recognized during TV5's launch of "Shake Mo, TV Mo" campaign at C3 Events Place in Greenhills, San Juan City last August 7. Kasi naman, lumabas ang kaguwapuhan ng aktor na mukhang matagal nang naka-recover sa paghihiwalay nila ni Meryll Soriano, na siyang ina ng kanilang anak na si Elijah, who will be turning a year old weeks from now.

May regular exposure si Bernard sa TV5, ang Hush Hush, na mapapanood sa primetime Wednesdays sa ilalim ng direksiyon nina Laurice Guillen at Jade Castro. Tamang-tama dahil kakapanood pa lang ng marami kay Bernard sa A Very Special Love, na isang blockbuster hit from Star Cinema, starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.

"I'm happier na," sabi ni Bernard nang kumustahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "I left for awhile. Mga isang taon din 'yon. Naisip ko, I have to reinvent myself while moving on, got off from my personal problems. I feel much better now. Ready and willing to work again."

Short-lived ang relationship nila ni Meryll. Pagkatapos na mapabalitang nagpakasal sila, hindi pa naisisilang ang anak nilang si Elijah, naghiwalay na sila. How can Bernard describe the devastation?

"I was only devastated, upon realizing sayang," malungkot na sabi ni Bernard. "Para bang naisip namin, pupuwede pa sana kung hindi kami nagmadali. Things like that lang. But, I didn't regret it.

"My relationship with Meme [Meryll's nickname] was so intense. Kung good day kasi kami noon, sobrang good day. Kapag bad, talagang bad. Grabe! But that's life. You don't expect things to happen. You get to the point, wala ka na talagang magagawa. Ganoon na lang ang nangyari sa amin. Kaya naisip ko, mag-let go na lang. I had to."

Pero maraming usap-usapan na lumabas tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nina Bernard at Meryll. Karamihan nito ay negatibo ang dating kay Bernard.

"Marami naman kasing nakakakilala sa akin sa showbiz, e," sabi ng aktor. "Sabi ko nga, ayusin ko na muna yung mga problema ko kesa intindihin ko yung sasabihin ng ibang tao. Hindi naman nila ako maiintindihan kahit mag-explain pa ako.

"Maganda ang resulta ng ginawa kong pag-alis muna sa limelight. For a year, nakapagpahinga ako, nakapag-isip. Anyone can say anything about me, and I don't care. Not naman literally that I don't care, parang it won't bother me lang."

Alam ni Bernard kung saan siya nakatayo sa situwasyong 'yon. Kaya siya na lang mag-isa ang umintindi sa bagay na 'yon at nagpatuloy sa kanyang buhay.

"Karamihan kasi ng nangyari sa amin, sa relasyon namin ni Meme, masyadong nang personal that I don't want to talk about it anymore. The other half naman is, para lang maintindihan n'yo, we're not getting along fine anymore. We were fighting too much at that time. It was unhealthy, fighting about the smallest things," lahad ni Bernard.

ARRANGEMENT ON ELIJAH. Magsi-celebrate ng first year sa buhay niya sa mundong ito ang anak nilang si Elijah on August 27, kaya nakatuon ang pansin nina Meryll at Bernard sa gaganaping pagdiriwang para rito, na gaganapin sa Blue Leaf ng The Fort.

"Okay naman ang arrangement namin ni Meme with regards to our kid," sabi ni Bernard. "If she's busy, I can always pick him up, spends time with me; even days, which I like. Anytime na gusto kong makita si Elijah, I just call up Meryll, welcome ako palagi to visit them sa house."

Balitang super spoiled si Elijah sa lolo nitong si Willie Revillame, ama ni Meryll.

"That's true, and I don't mind," sabi naman ni Bernard. "I have to understand that it's his very first apo. Kaya lahat ng gusto ng bata, talagang ibinibigay niya. Of course, nasa amin na ni Meryll yun kung paano aayusin ang ganoon bagay, pero I'm so happy that he's very fond of Elijah. Mahal na mahal niya ang apo niya, and that's more than enough for me."

Sinabi naman ni Bernard na hindi pa nila napag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Meryl.

"Wala pang chance. I can always go up to him and talk about it, pero nirerespeto ko rin naman ang stand niya on whatever, tungkol sa amin ni Meryll. The same way, nararamdaman ko na nirerespeto niya yung decision namin ni Meme tungkol sa nangyari," pagwawakas ni Bernard.



Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: