Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Baron, ’di natiis ni Mr. M


Baron, ’di natiis ni Mr. M


Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 Big Night

MAY spot pa rin si Baron Geisler sa ama-amahang si Johnny Manahan.

Kahit sinasabing bad boy, hindi pa rin natiis ni Mr. M na ’di tulungan ang aktor nang malamang hindi ito makakasama (due to budgetary constraints) sa Philippine delegation ng Venice Film Festival, kung saan official Philippine entry ang pelikulang Jay ni Direk Francis Pasion.

Nang malaman ito ni Mr. M, hindi siya nag-atubiling tulungan si Baron. Aware si Mr. M sa prestige na maibibigay ng said international film festival sa aktor.

Mr. M gave the same support kay Piolo Pascual nang ito naman ang ipadala sa Paris Cinema Festival sa France.

Sa August 27 na ang lipad ng tropa ng Jay papuntang Venice, Italy. Ang pelikulang Burn After Reading nina Brad Pitt at George Clooney ang magbubukas ng Venice filmfest ngayong taon.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: