Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Anne Curtis at KC Concepcion, ‘di nagbatian sa The Buzz

Anne Curtis at KC Concepcion, ‘di nagbatian sa The Buzz
Written by Julie Bonifacio
UNO Magazine's Sexiest Women

ISANG MAHIGPIT NA yakap ang ginawang pagbati sa amin ni KC Concepcion nu’ng puntahan namin siya sa backstage bago siya isalang sa kauna-unahan niyang paglabas ng live at tell-all interview sa The Buzz last Sunday. Nagpasalamat si KC sa mga naisulat namin para sa first movie nila ni Richard Gutierrez na For The First Time.


This is just one of the signs kung gaano ka-grounded si KC despite the popularity and fame meron siya ngayon. At sa tell-all interview niya, marami ang pinaluha ni KC. Maraming tanong ang host na si Boy Abunda na hindi maitanong ng iba ang sinagot ni KC nang diretsahan. Gaya ng isyu tungkol sa kanyang tunay na mga magulang na sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. KC is like any typical and ordinary kid na nangangarap na sana magkasama ang kanyang mga magulang despite all the love na binabahagi sa kanya ng ibang Kapamilya tulad ng stepfather niyang si Senator Kiko Pangilinan.


At isa sa revelations ni KC ang tungkol sa singsing na nagsisilbing pendant sa necklace niya na ito pala ay ang wedding ring nina Mega at Gabby. Ni-reveal din ni KC for the first time na sa apat na taon niyang pananatili sa Paris, France ay nagkaroon siya ng boyfriend doon.
Damang-dama rin ang pagnanais ni KC na parehong makasama sina Sharon at Gabby sa premiere night ng For The First Time. Wish niyang makausap niya ang kanyang mga magulang bago maganap ang premiere night. Pagbigyan kaya nina Mega at Gabby ang wish ni KC?


NOW IT CAN be told na topless talaga si Anne Curtis sa eksena niya bilang sirena sa Dyosa. Ayon sa aming source, hindi raw pinagsuot ng anumang skintone na tela or kung anuman sa dibdib si Anne. Bukod-tanging ang nipples lang daw ni Anne ang nilagyan ng takip kaya kailangan, huwag aandap-andap ang viewers sa panonood ng Dyosa na nagsimula na nu’ng Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


Last Sunday sa The Buzz, hindi nagkaroon ng chance na magbatian sina Anne at KC. Papasok si Anne at palabas naman si KC ng studio nu’ng makita namin sila. Bising-busy si Anne that time sa paglalagay ng lipstick habang naglalakad at nakatingin sa salamin at si KC naman, pinagkakaguluhan ng mga fans.


Si Anne ay ex-girlfriend ni Richard Gutierrez na leading man ngayon ni KC. Bukod kay Richard, pareho ring na-link sina Anne at KC kay Luis Manzano.





Source: Pinoy Parazzi





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: