Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Annabelle Rama sarcastic on Dingdong-Marian birthday concert going head-to-head with Richard-KC movie


Annabelle Rama sarcastic on Dingdong-Marian birthday concert going head-to-head with Richard-KC movie

Annabelle Rama sarcastic on Dingdong-Marian birthday concert going head-to-head with Richard-KC movie
Matapos ang kontrobersiyal na Bench Blackout, kung saan nagpahayag noon ng sama ng loob si Annabelle Rama dahil sa hindi raw fair na treatment na ibinigay sa anak niyang si Richard Gutierrez, nahulaan nang sisiklab na naman ang galit nito dahil sa pagkakasabay ng first showing day ng For The First Time na pinagbibidahan nina Richard at KC Concepcion sa birthday concert naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum on August 27.

Kasabay ang TV showbiz news show na Cinema One, narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga pahayag ni Annabelle via phone last Wedenesday, August 13, hinggil sa tila bagong isyung papasukin ng matapang na ina't manager ni Richard. Although kalmado ang boses, mararamdaman mong may sama ng loob ng mga pahayag ni Annabelle.

"Hindi ako papatol sa mga isyu na ‘yan. Luma na ‘yan. Tapos na yung mga birthdays nila [Dingdong and Marian], ang tagal-tagal na. Sinasadya talaga at pinagplanuhan," sabi ni Annabelle.

Sa diretsahang tanong ng PEP kung may sama ng loob ba siya sa GMA-7 at kung may mensahe siya gustong iparating, ito lang ang binitawang salita ni Annabelle:

"Wala, okey lang sa akin yun. Natutuwa ako sa kanila, tuwang-tuwa ako. Natutuwa ako sa ginawa ninyo, hindi ko alam kung bakit ninyo ginawa ‘yan pero okey lang sa akin. Wala tayong magagawa kasi nandiyan na ‘yan. Maraming salamat sa lahat," panunuya ni Annabelle.

"'Tsaka sa akin ang importante ay yung dalawa [Richard and KC], nagtatrabaho sila, tinatapos nila yung pelikula nila at maganda yung movie. Sinisigurado ko yun, lahat ng tao manonood nito. Kasi unang-una, bagong chemistry, first time nila nagsama. Magandang-maganda yung pelikula kaya lahat talaga magugustuhan nila ito."

May mensahe ring iniwanan si Tita Anabelle para naman sa mga KC-Richard fans at sa pelikulang For the First Time ng Star Cinema.

"Sa mga fans nila KC at Richard, sana suportahan nila yung For The First Time kasi napakaganda ng pelikulang ito. At ‘pag napanood na nila, puwede nilang ulit-ulitin kasi napakaganda."











JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: