Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Annabelle Rama, may sama ng loob sa Siyete?!

Annabelle Rama, may sama ng loob sa Siyete?!
Written by Chit Ramos

20080809-020418

Wala na namang kapreno-preno ang bibig ni Annabelle (Rama) nang mag-taping para sa Sharon
Subok-subukan ba namang apihin ang kanyang anak (Richard Gutierrez) at kalaban-kalabanin. Nawala na naman tuloy ang pagkadIsente ni Annabelle (na ipinangako niya kay Chard) at nasa war path na naman ito. show na napanood n’yo na marahil noong Linggo sa Kapamilya station.


Kakampi niya ang Megastar na damay Rin sa sentimyento ni Annabelle dahil leading lady si KC ni Chard sa pelikulang For The First Time na tatapatan nga ng mismong GMA-7 sa first day showing nito.


“Halos dalawang oras na lang gabi-gabi ang tulog ni KC. Pinaghirapan nila ni Chard ang pelikula. Sana, may puso naman silang i-consider ito. After all, gagawa rin naman after ng For The First Time ang dalawa sa kanila. Susuportahan ko rin dito sa Sharon at susuportahan mo rin, ‘di ba?” Ani Sharon.


“Parang hindi naman nag-akyat ng pera sa kanila ang anak ko. Parang hindi man lang nila kinonsider na pinagbubuti ng anak ang lahat ng projects na ibinibigay sa kanila. Diyos ko, abot-abot ang dasal ko sa Sto. Niño tuwing showing ng teleserye ni Chard. Kasama ang GMA-7 sa dasal ko. Tapos sila pala ang kakalaban sa mismong artista nila. Kilala ko kung sino ang nasa likod nito, pero hindi ko na lang babanggitin, baka sumikat pa.”


Walang gaanu’ng nasabi si Richard, ganu’n din si KC na itinuloy ang kanilang “moments.” As if wala silang dalawa sa eksena. As if, sina Annabelle at Sharon lang ang nag-uusap.
“Since gagawa naman silang dalawa ng pelikula sa GMA, bakit hindi pagmalasakitan ang pelikula nila sa Star Cinema. Makikinabang din sila sa tagumpay nito.”


“Napakaganda na sana ng arrangement. Isang movie sa Star at isa sa kanila. For the first time, nagkasundo na ang dalawang network. Natutuwa na nga ang buong showbiz, dahil akala’y simula na ito ng pagkakaisa nila. Tapos, heto, iba na naman ang ihip ng hangin!”







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: