Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Annabelle Rama becomes more upfront in admitting "tampo" with GMA-7

Annabelle Rama becomes more upfront in admitting "tampo" with GMA-7

Annabelle Rama becomes more upfront in admitting "tampo" with GMA-7
Hindi talaga mapalampas ni Annabelle Rama ang nangyaring tapatan ng pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez at KC Concepcion na For The First Time from Star Cinema sa birthday concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum.

Sa August 27 ang first day of showing ng For The First Time at kinagabihan naman ang birthday concert nina Dingdong at Marian na bigay sa kanila ng GMA-7 para sa fans ng Dyesebel stars.

Unang pelikula ni Richard sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, ang For The First Time. At gaya nina Dingdong at Marian, Kapuso artist din si Richard.

Hindi na bago sa mga showbiz denizens ang ganitong reaksiyon mula sa nanay ni Richard. Bukod sa kilala si Tita Annabelle, tawag ng karamihan sa kanya, bilang nanay na ipaglalaban ang mga anak, isa rin siyang talent manager na talagang poprotektahan ang interes ng mga alaga.

Una nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle sa concert ni Gabby Concepcion sa Music Museum, ayaw pa niyang ipasulat ang maaanghang niyang mga salita na "desperado" ang may kagagawan ng pagtatapat ng birthday concert nina Dingdong at Marian sa pelikula nina Richard at KC.

Pero kahapon, August 22, ay inilabas na nito ang saloobin sa programang Wow, Ang Showbiz! nina Ogie Diaz at Fernan de Guzman sa dzXL.

Banat ni Annabelle, "Ayaw ba nilang makipagkaibigan? Ayaw nilang makipag-peace. Birthday ni Dingdong, August 2, at si Marian, August 12. Ano ba ‘yan, dong! Ang layo ng 27 para mag-celebrate. Puwede naman 14, 15, 16, 17. Bakit tumapat sa playdate ng mga bata [Richard and KC]? Wednesday pa, ‘tapos free pa! Puwede namang weekend dahil Araneta yun. Sinadya talagang araw ng showing, hindi ko maintindihan!

"Dapat nagpabayad na rin sila para malaman kung sino ang mananalo. Exclusive contract nila si Richard sa GMA, hindi nangangaliwa, very loyal. Pinayagan siya para gumawa sa kabila [Star Cinema] dahil gagawa rin sila ni KC sa Valentine's Day, pero ano ang ginawa nila?" hinaing ng ina ni Richard.

Ano ang reaksiyon ni Richard dito?

"Alam mo naman si Richard, katulad ‘yan ng daddy [Eddie Gutierrez] niya, hindi kumikibo. Wala talagang bad vibes si Richard. Maganda ang pelikula. Mag-e-enjoy ang moviegoers. Sabi niya, ‘Mommy, huwag ka nang mag-react, ang mga wrinkles.' Very relax, hindi nai-insecure at may tiwala sa sarili si Chard," lahad ni Annabelle.

Ayon pa kay Annabelle, kinausap daw niya ang executives ng GMA-7 kung bakit tinapatan ang For The First Time ng birthday concert nina Dingdong at Marian.

"Nagulat talaga ako," sabi niya. "Ano'ng nangyayari, giyera ito? Nagpo-promote sina Richard at KC, may nagpo-promote naman na kasabay doon? Ang reason, wala nang playdate sa Araneta. Puwede naman sila umiwas lalo't may pinirmahan ang Star Cinema sa GMA. Puwede namang hayaan muna ang mga bata. Huwag sumawsaw sa playdate.

"Sana makarma ang may kagagawan nito! Ibang magalit ang mga Bisaya! May devil diyan sa GMA na isa! Alam ko, ‘yang babaeng ‘yan na executive ang may kagagawan! ‘Yan ang inggitera at kontrabada! Marami na ang nagagalit diyan!" deklara ni Annabelle.

First time na gumawa sa Star Cinema si Richard, pero nakita ni Annabelle ang suporta sa anak niya. Very thankful si Annabelle na kahit yung mga Kapamilya stars ay nag-e-endorse ng For The First Time, tulad nina Aga Muhlach, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, at Angel Locsin.

May isang taon pang contract si Richard sa GMA-7, pero kinakausap na raw ni Annabelle ang lawyer niya kung puwedeng hindi na tapusin ito dahil sa pangyayari.

Kaugnay nito, hiningan ng PEP ng reaksiyon ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante tungkol sa usap-usapan sa bakiuran ng GMA-7 na ayaw na diumanong makipag-deal ng Kapuso network kay Annabelle dahil sa mga naging pahayag nito tungkol sa pagtatapat ng pelikula ng anak sa birthday concert nina Dingdong at Marian.

Ayon kay Ms. Wilma, "There is absolutely no truth to this. We deal with her constantly given the number of contract artists we have under her management."

Sinegundahan naman ito ni Noel Ferrer ng GMA Films at sinabing, "That's not true. We have no problem dealing with her [Annabelle]. Besides, Richard Gutierrez is still in contract with GMA Films. Marami pang projects na naka-line up para sa kanya."

Sa August 26 ang premiere night ng For The First Time sa Megamall, pero ngayon pa lang ay balitang star-studded ito dahil magsasama-sama ang mga artistang Kapuso at Kapamilya. Balitang dadaluhan din ito nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, at Angel. Nakumpirma rin na darating ang mga magulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, pero ang plano ay magkahiwalay ang dalawa sa dalawang sinehan na paglalabasan nito.


Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: