Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

Angel, yumakap at nag-sorry ng nag-sorry kay Wilma Galvante


Angel, yumakap at nag-sorry ng nag-sorry kay Wilma Galvante


BONGGA ang selebrasyon ng 18th anniversary ng Belo Medical Group sa Shangri-La Makati.

Magarbo ang handaan na may Venetian motif kaya kinarir ng mga invited guest ang costume nila na ang nagwaging Best in Costume ay sina Ma’am Wilma Galvante, Yasmien Kurdi, Tim Yap at JR Isaac.

Walang nagawa si Ma’am Wilma nang big­lang yumakap sa kanya mula sa likuran si Angel Locsin.

Kasama nito si Piolo Pascual na lumapit sa GMA executive.

Ang nakarating na kuwento sa amin, pa­nay raw ang sorry ni Angel kay Ma’am Wilma na maayos daw nitong sinagot.

Hindi ko nakita ang paglapit ni Billy Crawford kay Ma’am Wilma pero may nagkuwento sa akin na lumapit din ito at humingi ng patawad.

Ilan pa sa mga Kapamilya talents na du­malo ay sina Christopher de Leon, Valerie Concepcion, Christian Bautista at ilan sa Kapuso stars ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, Karylle at Lani Mercado.

Marami ang nagha­hanap kay Ruffa Gutierrez, pero hindi namin ito namataan.

Bongga ang labanan sa biritan nina Regine, Lani Misalucha, Sarah Geronimo. Pero tingin ko mas wagi pa rin ang Asia’s Songbird.

Kasabay ng selebrasyong iyun ay ini-launch ang Ike and Nena Belo Foundation na ang advocacy nito ay para maka­tulong sa pagpapaaral sa mga mahihirap na deserving makapagtapos ng pag-aaral at ilan pang charity works na maka­tulong sa mga nangangailangan.

Sina Ike at Nena Belo ay ang magulang ni Dra. Belo na kilalang-kilala sa lalawigan namin sa Capiz na malapit sa mga mahihirap.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

jinx said...

angel is just so good.. we can't do anything about it.. well.. not any of us can please everybody but to those who are open-minded enough, i'm quite sure we know it's true.. that depends on you bitters and madam wilma, if you would take it cynically or positively...