Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Angel Locsin's manager claims they have already settled contract dispute with Regal

Angel Locsin's manager claims they have already settled contract dispute with Regal

Angel Locsin's manager claims they have already settled contract dispute with Regal
Nagkaroon ng initial confusion ang mga invited press para sa story conference cum presscon ng unang pelikulang pagsasamahan nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa Star Cinema kanina, August 27. Dapat sana'y sa Bohol Room ng 9501 restaurant sa 14th floor ng ABS-CBN ang presscon, ngunit ang nandoon naman ay si John Lloyd Cruz at paparating naman sina Ruffa Gutierrez, na nauna pa ang inang si Annabelle Rama, at si Vhong Navarro, na nauna rin ang manager na si Direk Chito Roño.

Ipinagpalit pala ang venue ng dalawang magkasabay na event. Sa Bohol Room ginanap ang contract signing ng tatlo sa mga magbibida ng upcoming primetime soap ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea at sa main dining hall na lang ginanap ang sa Star Cinema movie naman nina Piolo at Angel.

Dahil dito, kahit naabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Piolo at Angel inside the private function room of the restaurant, kasama ang PR head ng Star Magic na si Rikka Dylim, hindi na muna sila pinalabas hanggang hindi natapos ang sa Betty La Fea contract signing.

Past 2 p.m. na nang lumabas sina Piolo at Angel kasama ng kanilang directo na si Rory Quintos at dumiretso na agad sa general question-and-answer portion dahil katatapos lang din ma-explain sa dalawang bida kung ano ang magiging roles nila sa movie.

Untitled pa ang pelikula nila ngunit may playdate na ito, on November 12, as the culmination sa 15th anniversary ng Star Cinema. Kukunan ito sa sa isang probinsiya down south at sa Australia. Makakasama nila sina Ricky Davao, Dimples Romana, at isang Australian actor. Magsisimula ang shooting this weekend pagkatapos ng mahigit isang buwang pag-aaral nina Piolo at Angel sa pangangabayo.

Kinausap ng PEP ang manager ni Angel na si Becky Aguila at tinanong kung nagkaayos na sila ng Regal Entertainment. Matatandaang nagbitaw ng salita si Ms. Roselle Monteverde-Teo, anak ni Mother Lily at producer ng Regal na "gawin muna nila ang pelikula before we can act." May contract dispute ang Regal at Angel dahil ayon sa side ni Angel, tapos na siya ng contract; pero ayon naman sa Regal, hindi pa raw.

Sabi ni Becky, okay na raw ang lahat but she admits hindi pa sila ulit nagkakausap ni Mother Lily or anyone in Regal.

May kinausap naman kaming Star Cinema executive about this dahil may balitang napayagan na raw sila na ituloy ang pelikula dahil nagkaroon ng ex-deal ang Star Cinema at Regal, kung saan ipauubaya na ng Regal si Angel kapalit ng serbisyo ni John Lloyd Cruz.

Sagot ng taga-Star Cinema, as far as they are concerned, wala silang ganoong deal na ginawa dahil ang next movie ni John Lloyd ay for Star Cinema ulit, kung saan itatambal siyang muli kay Sarah Geronimo pagkatapos mag-hit ang una nilang pelikula na A Very Special Love.

Dagdag pa ng kausap namin, nasuri na rin nila ang kontrata ni Angel sa Regal at natapos na raw lahat ang pelikulang kailangan niyang gawin at personal itong inasikaso ng manager ni Angel na si Atty. Joji Alonso.

Sinubukan ng PEP na kunin ang reaksiyon nina Mother Lily at Roselle ngunit hindi pa sila sumagot sa aming text message.



Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: