Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 12, 2008

Angel Locsin, magandang impluwensiya kay Luis

Angel Locsin, magandang impluwensiya kay Luis

luis manzano

ISANG blooming at fresh looking na Vilma Santos ang humarap sa amin nu’ng Lunes ng hapon sa office niya bilang gobernador sa Batangas City.After some beso-beso, ratsada na kami sa tsikahan portion. Lahat ng questions ay masayang sinagot ni Gov. Vi wether intriguing or not.

Tulad na lang ng tanong nu’ng isang kasama naming writer kung bakit sila ni Edu Manzano, erpats ng panganay niyang si Luis (Lucky pa rin daw ang tawag niya rito) ended up as friends, tila sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, tipong “once lovers cannot be friends”?

“Eto lang ang masasabi ko riyan, every individual is different. Ganu’n ang panuntunan ko, baka iba ’yung panuntunan ni Shawie. Na hindi naman masama but every individual is different. If I can take it, baka siya, hindi pa ready or hindi pa niya ma-take, ganu’n lang ’yon, eh,” sabi ni Gov. Vi, na tipong natalbugan ang quotation ek ng yours truly.

Napadako naman ang usapan tungkol sa relasyong Luis Manzano at Angel Locsin.

“I love Angel. Marespetong bata,” sabi niya with feelings na tipong galing from the bottom of her heart, in fairness.

“So, ilang buwan na silang mag-on?” hirit ng yours truly.

“Hahaha! No comment. Ako naman ang huhulihin mo, Ate Mers, ha. No comment. Basta alam ko maligaya sila. Maligaya. At sa nakikita ko, maganda ’yung impluwensiya ni Angel kay Luis. Even ’yung outlook ng anak ko ngayon, iba. Na maganda… maganda.”

May nakakita raw kina Angel at Luis na naggo-grocery together?

“Ah, oo. Tinuruan din siya ni Angel. Sabay silang naggo-grocery. Pero at least ang anak ko, natuto. Marunong na siyang mag-grocery ngayon,” natatawang pag-amin nito dahil nga hindi na siya nakaligtas sa maugong naming kantiyawan.

Ano naman ang masasabi niya sa sinabi ni Sen. Bong Revilla na kung sakaling tatakbo siya for vice president sa 2010 elections, maggi-give-way sa kanya ang nasabing senador na kapartido niya at kapuwa artista?

“Hmmm… si Bong. Ang sweet naman niya. Thank you, thank you naman kay Bong, pero… ah… he can plan his political career… he can plan it if he really wants to run for vice president, then go ahead, wala naman siyang dapat i-worry sa akin.”

O, sey mo, Sen. Bong?

Hay naku, to run or not to run for vice president in the year 2010 ay tipong wala pa sa plano ni Ate Vi dahil sa ngayon, talagang focused muna siya sa pamamahala, pagpapaganda at pagpapaunlad ng Batangas City, tsuk!








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: