Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 6, 2008

Anak ni Mega, pang-big time...MARIAN RIVERA, TAGASALO LANG NI KC CONCEPCION

Anak ni Mega, pang-big time...MARIAN RIVERA, TAGASALO LANG NI KC CONCEPCION















HINDI importante kay Marian Rivera kung siya man ang second o third choice sa anumang produkto na ini-endorse niya ngayon.

Naitanong namin ito sa bida ng Dyesebel dahil sa balitang siya ang kinuha sa isang toothpaste commercial na tinanggihan ni KC Concepcion dahil mababa ang offer ng kliyente kesa sa hinihinging talent fee ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Milyones ito at balita namin, standard at hindi bumababa sa P 5 million ang per product endorsement ng pretty daughter din ni Gabby Concepcion. And the latest we heard, nasara na raw ang kontrata at nagkasundo na sa presyo si Marian at ang kampo ng isang toothpaste brand. Isu-shoot na lang ang nasabing commercial at malapit nang mapanood sa iba't ibang programa.

In fairness, pawang sikat na celebrities na ang nakapag-endorse ng nasabing brand ng toothpaste tulad ng isang respetadong female politician at isang famous singer-actress na nakilala hindi lang sa 'Pinas kundi maging sa ibang bansa.

Plus factor sa career ni Marian ang pagkakakuha sa kanya as endorser. Kaya kahit sinabi pang second endorser choice at panakip-butas lang siya sa toothpaste na tinanggihan daw ni KC, hindi malaking isyu 'yun kay Marian.

"Ang importante, sa akin napunta at ako ang gumawa ng commercial," katwiran ng bida sa Dyesebel.

So far, 20 na ang pumasok na commercial endorsements ni Marian Rivera kaya kahit paano ay nakakapag-ipon na siya for her future.

Wala pa sa plano niya ang bumili ng mga properties at magtayo ng kanyang dream house. Happy na raw siya sa tinitirhang condo unit at pinaka-birthday gift na niya sa sarili ang pagsa-shopping noong nagpunta sila sa Los Angeles, USA. Tatlong, balikbayan boxes daw lahat ang naiuwi niya sa 'Pinas.

Sa ngayon, ang pinaghahandaan nila nang husto ni Dingdong ay ang birthday concert nila sa Araneta Coliseum sa Agosto 27, Special Treat at pasasalamat nila sa kanilang mga fans.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: