Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

Alfred Vargas maintains friendship with ex-girlfriend LJ Reyes; admits dating non-showbiz girl

Alfred Vargas maintains friendship with ex-girlfriend LJ Reyes; admits dating non-showbiz girl

Alfred Vargas maintains friendship with ex-girlfriend LJ Reyes; admits dating non-showbiz girl
Grade school pa lang ay magkaibigan na sina Alfred Vargas at Dingdong Dantes. Kuwento ni Alfred, hindi raw sila naging magkaklase ni Dingdong sa Ateneo, pero magka-batch daw sila. Bukod pa rito, magkasama rin daw sila ngayon sa Dyesebel.

Kung kaya't nang personal siyang imbitahan ni Dingdong para maglaro sa isang basketball game na in-organize nito para kumalap ng scholarship fund for Philippine Maritime Institute's (PMI) upcoming students ay hindi nagdalawang-isip si Alkfred na umoo. Bukod dito, tulad ni Dingdong ay advocacy rin daw ni Alfred ang education.

"Okey sa akin kasi yun din ang itinutulak kong advocacy, education talaga," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). For the promotion of education din ako. Personally, may tinutulungan din ako pagdating sa pag-aaral. Pero siguro one day, magtatayo rin ako ng scholarship foundation ko, pero siguro more on sa mga elementary or sa mga bata."

Feeling ni Alfred, God's will kung paano silang lahat sa team nila ay naroroon. Halos lahat daw sila ay busy rin, pero nagawa nilang makapaglaro. Nakasama ni Alfred sa team sina Wendell Ramos, JC de Vera, Antonio Aquitania, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Marky Lopez, Arthur Solinap, and Dr. Hayden Kho.

"Parang nag-coincide lahat ang schedules. Yun nga lang, ang nangyari, kung busy kami, mas busy talaga siya [Dingdong] dahil wala nga rito!" natatawang sabi ni Alfred, na ang tinutukoy ay ang absence ni Dingdong sa basketball game dahil kasukuyan itong nasa New Jersey kasama si Marian Rivera para mag-promote ng GMA Pinoy TV doon.

UNA KANG NAGING AKIN. In fairness, one of the busiest actors din ng Kapuso network si Alfred dahil bukod sa Dyesebel, may weekly show pa siyang Nuts Entertainment at may sinisimulan siyang bagong afternoon series, ang Una Kang Naging Akin.

Hindi itinago ni Alfred ang excitement sa bagong show na halaw sa pelikula noon nina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion, at Dawn Zulueta.

"Ako si Ronnie sa Una Kang Naging Akin. Bago siyang role, bale additional siya sa original. Kasama ko sina Maxene Magalona, Angelika dela Cruz, Wendell Ramos, at si LJ Reyes," banggit ng aktor.

NEVER WAS A LOVE TEAM. Ayon kay Alfred, mali raw ang sinasabing balik-tambalan nila ng dating girlfriend dahil never pa naman daw silang nagtambal talaga ni LJ.

"Never pa kaming nag-partner ni LJ. Kung meron man, siguro guesting na isa or dalawa. Pero yung series, wala talaga. Never rin kaming naging love team. So, kumbaga, ngayon pa lang talaga," paliwanag niya.

Kumusta naman ang pagsasama nila ngayon?

"Okey naman ako, under exclusive contract naman tayo ng GMA at pinagkakatiwalaan naman natin ang mga boss ng GMA. So, kung ano'ng role ang ibigay nila sa akin, ginagawa ko with the best that I can. At saka kami, hindi naman kami magkaaway ni LJ, magkaibigan kami. Maganda naman yung breakup namin."

Ayon kay Alfred, sobrang naka-move on na raw siya sa naging split-up nila noong November 2007 pa. On LJ's part, obviously, mas naka-move on ang dalaga dahil may bago na itong boyfriend, ang apo ni Henry Sy na si Herson Sy.

"Wala kaming ilangan," giit ni Alfred. "Maganda siguro, kasi maganda ang breakup namin. Even after the breakup, na-retain namin yung friendship namin."

Kung si LJ ay meron nang bagong karelasyon, what about him?

"May dine-date akong non-showbiz," pag-amin niya. "Okey naman. Enjoy naman ako na ganito. Besides, meron akong tatlong shows sa GMA, so siguro dapat lang naman na magpasalamat ako sa Diyos at galingan ko sa bawat projects na ginagawa ko. Siguro, hindi ko muna priority sa ngayon ang maggugol ng panahon sa lovelife"

May two months na raw silang nagde-date ng non-showbiz girl na ayaw niyang pangalan. Pero ayon kay Alfred, hindi raw ito yung unang na-link sa kanya na Quisumbing ang apelyido

"Siguro I could say exclusively dating. Pero ang maganda kasi ngayon, non-showbiz, so wala masyadong intriga," saad ni Alfred.



Source: PEP








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: