Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

Alex da Rossi Kapamilya na ulit

Alex da Rossi Kapamilya na ulit

Alessandra de Rossi, Kotex Endorser

NAKASALUBONG namin si Alessandra de Rossi noong isang gabi sa Starbucks sa The Loop ng ABS-CBN.

Aware kaming may business meeting siya with ABS-CBN bosses dahil noong hapon (ng same day), namataan namin ang manager niyang si Direk Manny Valera sa executive offices ng ABS-CBN.

Nakipag-meeting ito kina Cory V at Deo E.

Alessandra will join the cast of I Love Betty La Fea. Kaya pala hindi pa ma-reveal kung sino ang gaganap sa isang character dahil hinintay pang umoo si Alex.

Bukod sa I Love Betty La Fea, may isa pang project si Alessandra sa ABS-CBN.

“Hay, naku, ang saya!” ang tanging nasabi lang ni Alex.

Para sa kaalaman ng marami, Alessandra started with ABS-CBN as part of Star Circle, bago lumipat sa GMA-7.

Ka-batch niya noon sina Jodi Santamaria, Desiree del Valle at iba pa.

ERIC JOHN SALUT
Journal Online








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: