Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Albert Martinez signs with PLDT Smart Foundation and Cinema One to help local indie filmmakers

Albert Martinez signs with PLDT Smart Foundation and Cinema One to help local indie filmmakers

Albert Martinez signs with PLDT Smart Foundation and Cinema One to help local indie filmmakers
Pinaniniwalaan na kung naging matamlay man ang local film industry sa paggawa ng mga mainstream movies, malaki naman ang naitutulong ng mga independent films para makagawa pa rin ng mga pelikulang dekalidad, sa kabila ng limitadong budget at kagamitan.

Mga pelikulang nagbigay din ng karangalan sa ating bansa dahil sa pagkilala ng mga international award-giving bodies, masasabing slowly but surely ay natatanggap na ng publiko ang ganitong mga pelikula.

Kamakailan nga ay isang contract-signing ang nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pagitan ng Cinemabuhay headed by its president Mr. Albert Martinez, PLDT Smart Foundation and Cinema One. Tiyak na ikatutuwa ito ng mga baguhan pero may potensyal na mga filmmakers ng bansa.

"This is a tie-up between PLDT Smart Foundation, Cinemabuhay and Cinema One. Ang Cinema One ang magiging venue ng mga pelikula ng Cinemabuhay and PLDT Smart Foundation, and sisimulan namin ito sa Numbalik Diwa kung saan kasama ko sina Meryll Soriano, Ping Medina, and Ms. Maricel Soriano who won as Best Actress last year sa Cinemanila for this film.

"Actually it took three years para kumbinsihin ang PLDT Smart Foundation to support my cause. It took a while, with help of Mr. Manny Pangilinan, it materializes now and then their president Mr. Butch Meily is giving me 100 percent support to make sure yung dream and vision of Cinemabuhay to help this film industry is tumatag pa lalo.

"What we wanted to do with the help of PLDT Smart Foundation is para makatulong sa mga bagong filmmakers na bigyan natin sila ng venue, bigyan natin sila ng tamang suporta para isapelikula ang kanilang mga proyekto. With the help of PLDT Smart Foundation, mabubuksan namin ang maraming mga pagkakataon. Alam kasi namin na maraming magagaling na mga filmmaker na kulang lang talaga sa financial support."

PLDT SMART FOUNDATION. Sa interview ng PEP kay Mr. Butch Meily, PLDT Smart Foundation president, nagpahayag siya ng pasasalamat hindi lamang kay Mr. Albert Martinez kundi maging sa ibang mga artista na hindi na nagpataas ng kanilang mga talent fees para gumawa ng pelikula sa kanila.

"Albert has been a big part of it. Impressive din yung mga artista natin kasi they have agreed to work for really below their working wages. Yung iba nga, libre pa."

PLDT Smart Foundation also expressed gratitiude to Cinema One for being the venue.

"Cinema One has been a great partner. You have the medium and we can help to give you some content for it. After Numbalik Diwa, we still have three movies in the pipeline. Sana everyone will get the chance to watch these films."

CINEMA ONE. Sa parte naman ng Cinema One, nakapanayam namin si Mr. Ronald Arguelles, Channel Head of Cinema One.

"Yung contract-signing is the acquisition o pagkuha ng pelikulang Numbalik Diwa para ipalabas sa Cinema One ngayong August. This is just part of the relationship ng Cinemabuhay, PLDT at Cinema One. Hopefully na marami pa silang pelikula na mapapalabas din sa Cinema One.

"Yung ipinapalabas nilang mga digital movies or yung mga naa-acquire naming mga digital movies na mangaggaling sa Cinemabuhay, ipapalabas namin sa bagong movie block ng Cinema One na magpo-program, or ilalagay namin lahat ng digital movies sa isang movie block to create awareness na itong mga digital movies ay may magagandang content din para sa movie channel ng Cinema One.

"Yung movie block ay magiging venue ng mga digital movies na mga bago sa Cinema One, kasi ang madalas na pinapanood natin ay mga mainstream movies, mga lumang pelikula. Itong mga bagong pelikula, para mayroon din kaming mga audience na naiiba at may gusto ng mga digital movies.

"Hindi na namin sila mai-ignore, nandiyan sila, kailangan ding makita ng maraming tao, na hindi nakakapanood ng sine, ang mga digital movies na ito, so, kailangan din nilang mapanood sa Cinema One. This is the perfect venue for them to watch all these movies para yung mga napapalabas sa Cinema One iba-iba rin. Para lahat ng klaseng putahe na nakakain nila sa isang venue tulad ng Cinema One."








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: