Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Aiko Melendez defends politician-boyfriend against rumors he's using her for political gain

Aiko Melendez defends politician-boyfriend against rumors he's using her for political gain
Aiko Melendez defends politician-boyfriend against rumors he's using her for political gain
Slim na slim ang dating ngayon ng actress-politician na si Aiko Melendez. She is now seen constantly in public at talaga namang nagbalik na yung dati niyang whistle-bait figure.

When asked, Aiko told PEP (Philippine Entertainment Portal) na talagang hindi naman ganoon kadali para bumaba nang ganoon ang kanyang timbang. Hindi nga naman biro nga ‘yung almost 80 pounds na nawala sa kanya.

"When someone like me really wants this reduction in weight, it can be achieved. Its' not really very easy, but the point is, I am only this size now, and I want to maintain this," sabi ni Aiko nang buong pagmamalaki sa tagumpay ng kanyang diet at exercise regimen.

BACK INTO LIMELIGHT. Maraming dahilan kung bakit nagpapayat nang husto si Aiko. Pero ang kanyang mga kausap na entertainment press ang tumatayang ang pangunahing dahilan ay ang kanyang pagbabalik sa limelight. Siya ang featured actress sa Your Song ng Kapamilya network, for one month at ito ay nagsisimula na this Sunday bago ang The Buzz.

Kung gustong nga namang makabalik ni Aiko sa mainstream, she should be in her fighting form. Magaling siyang aktres, pero higit na kailangang maibalik nga niya yung dating ganda ng kanyang figure na gaya ngayon ay napagkamalan pa siyang sexy star.

"Nope, nagpapayat ako hindi to become a sexy star. It is a wrong notion to think that I'm maintaining this sexy figure for me to get sexy roles. I believe that I must really be this sexy to get in the form, and as you see, I am back now, and I hope this is for good," sabi niya.

After Your Song, slated din si Aiko to do an episode for Maalaala Mo Kaya at sa marami pang shows ng ABS-CBN.

"I am not exclusive to ABS-CBN," paglilinaw niya. "Wala akong kontrata sa kanila ngayon. But I must say I am grateful and glad for giving me this chance to be in the limelight again."

LOVE CALLING. Isa pang rasong na iniisip ng marami kung bakit nga sobrang disiplina sa kanyang regimen si Aiko ay dahil sa tawag ng pag-ibig. Lagi na niyang kasama sa mga lakad niya si Bulacan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses who himself can past as a movie star. Guwapo ang pulitikong ito, at isa sa mga itinuturong dahilan ng pagpapaganda ngayon ni Aiko.

The day PEP interviewed Aiko, nasa tabi lang niya si Patrick na nanatiling tahimik na nakamasid lamang. Nangangahulugan kayang silang dalawa na at posibleng mauwi nga sa kasalan in the end?

"Let us just say the God is good to me," sabi ni Aiko. "I was placed in a situation where there is someone who looks at my welfare and someone who is always by my side. After what I‘ve gone through, there is someone like him who would like to fill in the gap that I am missing.

"Masaya akong lalo dahil nga mabuting tao ang binigay ng Diyos to look after me. Kaya nga sabi ko, God is good at alam Niya ang makagaganda at makagpapapasaya sa akin," paliwanag pa nito na walang diretsong tinutukoy sa tunay na relasyon nila ng pulitiko.

AIKO'S PAST. At siyempre, sa tuwing humaharap sa press si Aiko ay hindi siya nakaiiwas sa mga tanong tungkol sa mapait na pagkauwi sa hiwalayan nila ni Martin Jickain. Kung magkaibigan na ba sila at nag-uusap ngayong mga panahong ito?

"Yes, we text eah each other, we call each other if we have to, at ang dahilan ay ang aming anak na si Marthena. Ayoko namang i-deprive ang anak ko sa pangangailangan niya sa kanyang ama.

"Kahit noong kami ni Jom [Jomari Yllana], we passed through a stage na hindi namin pareho matanggap ang maraming bagay. But you see, we finally have become friends and open with each other. Alam ko ang nangyayari sa kanya, and definitely, he knows what is happening in my life. We share a son and I think it is very healthy for our son.

"Kaya nga, kahit saang bitterness kami galing ni Martin, basta para sa anak namin, okey lang. Yes, Marthena is with her father at least once a week, at palagay ko tama lang na ganoon. As for me and Martin, the right time would come that we can be very open with each other."

POLITICAL AGENDA. At dahil nasa pulitika rin si Patrick, may mga intriga tungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon. Hindi maiwasang kailangang sanggain ng konsehala yung maaaring ibintang na ginagamit siyang tuntungan ng manliligaw na pulitiko upang makarating siya sa kaitaasan ng kanyang political career.

"For one, mabuting tao si Patrick, and he will never do that. He belongs to a very stable political family who had been in the field for a long time in Bulacan. Nakarating ang pamilya niya sa stability ng kanilang political life at wala silang ginamit na tao.

"Kailan lang kami nagkakilala, nasa posisyon na si Patrick. He did it by himself, naging vice mayor siya at an early age, and I don't think he needs me to continue going on top," seryosong sabi ni Aiko.



Source: PEP






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: