Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Ai-Ai, pangarap gumawa ng pelikulang ‘straight drama’


Ai-Ai, pangarap gumawa ng pelikulang ‘straight drama’

milagring pokwang group

KAHIT ALAM NATING ginagaya ni Pokwang ang style ng pagdadamit at pagpapatawa ni Ai-Ai de las Alas, hindi naman naaapektuhan ang Queen of Comedy. Hindi ba’t may isyu na may gap ang dalawa, kapag nagkakasalubungan raw sa loob ng studio ng ABS-CBN, dedma lang sila sa isa’t isa na para bang hindi sila magkakilala. To think na pareho pa silang Kapamilya stars, pero obvious namang may kimkim na sama ng loob sa bawat isa, say ng aming kausap.


“Natatawa na lang ako sa ganyang intriga, wala kaming gap ni Pokwang at lalong wala kaming rivalry na dalawa. May sarili siyang style sa pagpapatawa at ganoon din naman ako. I’m happy for her at marami siyang racket. Natutuwa nga ako dahil dumarami ang magagaling na komedyanteng tulad namin – the more the merrier para lalong masaya, ‘di ba?”

Natatawang sagot ni Ai-Ai, na abala ngayon sa kanyang pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat at teleseryeng I Love Betty La Fea. In fairness naman sa comedienne/host na si Pokwang, malaki ang respeto niya kay Ai-Ai at gusto niyang sundan ang yapak nito.


Wala nang dapat patunayan si Ai-Ai bilang komedyana, nakamit na niyang lahat – “Box-office Queen,” “Queen of Comedy,” “Comedy Concert Queen” at ang “Best Actres trophies”niya sa pelikulang Ang Tanging Ina at Ang Cute Ng Ina Mo na parehong dinirek ng box-office director na si Wenn Deramas. Ano pa nga ba ang kulang? “Gusto kong maging international star, mabigyan ng recognition sa ibang bansa. Lahat naman tayo nangangarap na makapasok sa International, libre naman ang mangarap, so mangarap na tayo ng mataas, ‘di ba? Dream ko ring makagawa ng straight drama. ‘Yun bang naiiba sa mga pelikulang nagawa ko – serious films talaga kahit digital film lang na ako mismo ang producer. Kailangang maganda ang script na babagay sa akin kaya ngayon pa lamang nag-iisip na ko kung sinong script writer ang kukunin ko for this project,” excited niyang kuwento.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: