Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Aga Muhlach type gawan ng pelikula ni Mother Lily

Aga Muhlach type gawan ng pelikula ni Mother Lily

SA birthday celebration ng talent manager at movie columnist na si Ethel Ramos sa Florabel, Podium last Friday, nakitang masugid na nag-uusap sina Mother Lily Monteverde at Gabby Concepcion.

“Are you offering him a project?” bungad ni Isah Red, entertainment editor ng isang broadsheet, kay Mother Lily when she finally joined his group and some other writers.

“No,” ang maliksing sagot ni Mother Lily. “Nagkumustahan lang kami. Alam ko naman ang patakaran ngayon,” susog pa niya, “if I want to get a talent, I should first talk to his or her talent manager.”

Ganunpaman, ’di ipinagkakaila ni Mother Lily, pati na ng kanyang anak na si Roselle Teo, na interesado silang kunin ang serbisyo ni Aga Muhlach, who later joined their table.

But Aga insisted na kung puwede, maski man lang synopsis ng gagawing movie ay mabasa niya.

Na naiintindihan din daw ni Mother Lily. Both Aga and Gabby were former Regal Babies.
* * *
AGA came with wife, Charlene Gonzales. They earlier planned na isama ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres.

Kaso, mas pinili raw ng dalawa ang sumama sa lola nilang si Elvie Gonzales para mag-shopping.

So, how do they call her? we once asked Elvie.

“Plain Elvie,” anito, to the consternation daw of Charlene.

Herself a former beauty queen (Miss Press Photography), Elvie has appeared in a few movies as well. One of them was Adolfong Hitler, where she played Dolphy’s leading lady.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: