Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

ABS-CBN walang budget sa outfits ni Ruffa sa I Love Betty La Fea

ABS-CBN walang budget sa outfits ni Ruffa sa I Love Betty La Fea


Definitely isa sa mga dahilan kung bakit kaabang-abang na panoorin ang Phil version ng I Love Betty La Fea ay dahil sa pagkakasama sa cast ni Ruffa Gutierrez bilang si Daniella.

Siya , ang villainess role na ginagampanan ni Vanessa Williams sa US version nito. Isang glamorosang Ruffa ang mapapanood niyo sa teleserye bilang fashionista na boss ni Bea Alonzo as Betty .

Naloloka lang si Ruffa dahil wala raw budget ang production para sa outfits niya sa show. Buti na lang daw at marami siyang kilalang mga sikat na local fashion designers na willing siyang damitan. At proud pang sinabi ni Ruffa na Pinoy haute couture ang ipapakita niya rito.

Isa pa, she is being paid handsomely daw by ABS-CBN kaya naman may budget siya to buy shoes. Kasi size 10 daw siya kaya kadalasan ay puro imported ang nabibili niya kasi wala siyang size ditto sa Pilipinas.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit magre-renew siya ng kontrata sa network kasi bongga ang ibinibigay na TF sa kanya. May tsika nga na mas mataas pa raw ang TF niya kaysa kay Bea na bida ng show.

“Ay, I don’t know anything about that dahil ‘di ko naman alam kung ano ba TF ni Bea sa ABS,”tugon ni Ruffa.

May cut-off time si Ruffa sa taping niya ng Betty La Fea ng 2 a.m. Kasi kailangan daw niyang asikasuhin ang dalawa ni-yang tsikiting sa pagpasok ng mga ito sa school sa umaga.

Kuwento pa ni Ruffa “nakikitira” lang daw silang mag-iina sa bagong bahay na ginastusan ni Richard Gutierrez at ng parents niya sa DasmariƱas Village, Makati.

Nagko-contribute naman daw siya sa groceries paminsan-minsan.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: