Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 5, 2008

Aaawww! Sarap talagang lunurin sa dagat...YOUNG ACTRESS NA FEELING SUPER-SIKAT, YUMABANG NA TALAGA, PATI MGA SALESLADIES TINATARAYAN

Aaawww! Sarap talagang lunurin sa dagat...YOUNG ACTRESS NA FEELING SUPER-SIKAT, YUMABANG NA TALAGA, PATI MGA SALESLADIES TINATARAYAN


BLIND ITEM: LAGING nagdedenay ang batang aktres na ito na lumolobo na ang kanyang ulo, denay siya nang denay, gawa-gawa lang daw ang mga kuwentong naglalabasan na tumutukoy sa kanyang kamalditahan.

Hindi na kailangan pang ipagtanong kung totoo bang palamura siya, payo ng mga totoong nakakakilala sa kanya ay kailangang pagmumugin ng pulot ang young actress na ito, para naman matatamis na salita ang lumabas sa kanyang bibig at hindi puro maaanghang at maasim.

Kailangan sigurong may nagpapaalala sa dalagang ito na ang pagsusuplada ay hindi lang sa paraan ng pagsasalita, mas matinding marka at iniiwanan ng mga aksiyon, tulad ng kanyang mga ginagawa.

Kuwento ng aming source, "Nu'ng minsang magpunta siya sa ibang shop para mag-shopping, nawalan ng gana sa kanya ang mga salesladies. Masyado kasi siyang bossy, puwede niya namang sabihin ang isang bagay sa maayos na paraan, pero demanding siya.

"Kunwari lang ito, ha? Kapag namimili tayo ng sapatos, natural lang na ipasukat sa atin 'yun ng saleslady, 'di ba? Hindi dahil sa questionable para sa kanya ang size na sinabi natin, kundi dahil may mga sapatos na may kakaibang sukat at fit.

"Ganu'n ang nangyari nu'ng minsang mag-shopping siya kasama ang isang medyo may-edad nang babaeng tagabitbit niya ng mga pinamimili niya. Ibinigay niya ang shoe size niya ru'n sa saleslady, pati ang kulay, hiningi niya.

"Natural, ang sabi ng tindera, 'Ma'm, pakisukat po, para malaman natin ang fit sa inyo.' Aba, ang mahaderang babae na text nang text, ang balik sa babae, 'Bakit pa? Ibinigay ko na sa iyo ang size ko, 'di ba? Bakit ko pa kailangang isukat 'yan? Ang size 5 n'yo ba, e,7?'

"Napahiya ang saleslady, pero customer is always right, kaya pinalampas lang 'yun ng babae. Nu'ng magbabayad na ang young actress, ang kasunod na tanong ng saleslady na standard namang tanong ng mga katulad nila, 'Ma'am, cash po ba o card?'

"Nagmaldita na naman si ____(ang young actress), ang sagot niya sa saleslady, 'Natural, card, nakita mo na ngang hawak-hawak ko 'di ba?' Napahiya na naman ang babae, pero okey lang, kliyente kasi 'yun, maximum tolerance talaga ang kailangan niyang pairalin," kuwento ng aming impormante.

Hindi lang ang saleslady ang nakakita-nakarinig sa kamalditahan ng young actress, marami pang ibang kustomer sa loob ng shop, paano ngayon maidedenay ng babaeng ito ang pangyayari?

"Alam mo, kailangang may magpaalala sa babaeng 'yan na nakatiyempo lang siya. Nakasingit lang siya sa opportunity na magka-name, pero walang kasiguruhan ang popularity niya ngayon.

"Maldita talaga siya, para lang siyang tahimik, pero nasa loob naman ang kulo niya. Pansinin n'yo kung tumingin siya, patagilid, talagang pinasok na ng kayabangan ang ulo niya!

"Totoo ang sinasabi ng mismong mga katrabaho niya, may attitude problem na ang lokah, ang akala siguro niya,e habampanahon na siyang ganyan at wala nang pagtamlay ang kanyang star," payo pa sa young actress ng aming impormante.

Inaasahan na ng aming source ang pagdedenay ng kampo ng batang aktres, hindi na raw bago 'yun, kaya ang tangi nitong reaksiyon, "Aaawww!!!!"

May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: