Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

10 men of Cosmo Centerfolds


10 men of Cosmo Centerfolds

AKIHIRO SATO 6

NAKITA na namin ang 10 Cosmo Centerfolds sa special supplement na ilalabas ng Cosmopolitan (Philippines) magazine na mabibili na sa market later this week.
Nasa cover ng inaabangang annual supplement ng Cosmo si Derek Ramsay.

Sa lineup ng photos sa loob ay nangunguna sa Cosmo Centerfolds 2008 ang international singer na si BILLY CRAWFORD (26 y/o).

Nasa swimming pool si Billy, bare top at nakalubog sa tubig ang kalahati niyang katawan.

Very prominent ang colorful tattoos ni Billy sa kanyang left arm, na para sa kanya ay sexiest part of his body.

Nag-sexy pictorial na rin lang si Billy ay hindi pa ginandahan ang pose. Iyung likod niya ang kanyang ipinakita imbes na ang harapan niya.

Mataba kaya siya at may tiyan kaya nahiya siyang ipakita ang kanyang abs?

***
Pangalawa ang guwapong model na si AKIHIRO SATO (24 y/o).

Bukod sa sexy ay ang ganda ng mukha ng 6-footer na si Akihiro na may Brazilian, Japanese at Italian blood.

Hubad siya at nakalubog sa bathtub. Hanggang sa mga balahibo sa may baba ng pusod niya lang ang nakalitaw, ang kanyang harapan ay natatakpan na ng mga bula.

***
Pangatlo si DEREK RAMSAY (29 y/o).

Nabanggit ng aktor sa Cosmo na gusto niyang mapasali sa ‘mile high club’ o sa mga nakikipagdyug sa eroplano habang nasa himpapawid.

Sa shower nag-picto­rial nang hubad si Derek, labas ang kanyang six-pack abs. Sexy pa rin at ma-appeal si Derek, pero hindi na bago ang da­ting niya.

Ewan kung bakit siya ang ginawang coverboy.

Nakasama na siya ni Dingdong Dantes last year at pangalawang pag­rampa na rin niya ‘yon dahil ang una niyang Cosmo Bash ay noon pang 2002 na ginanap sa Dish sa Rockwell.

Wala na bang iba?

***
Pang-apat ang model-actor at dating PBB housemate na si BRUCE QUEBRAL (26 y/o).

Ang morenong si Bruce ang pinakamapangahas. Hubo’t hubad siya habang nakatagilid at may hawak na bimpo na ipinantatakip niya sa kanyang nota.

Kita ang pubic hair niya at gilid ng kanyang puwet.

***
Panlima ang 6’1” model na si ROCKY SALUMBIDES (27 y/o). Nakarampa na si Rocky sa catwalks sa Milan, London, Singapore, Hong Kong at China.

Nakahubad siya sa loob ng sauna, basa ang katawan, pero natatakpan ng hita niya ang harapan ni Rocky.

***
Pang-anim ang runner-up sa Be Bench model search na si RON MORALES (23 y/o).

Nakatapis ng tuwalya ang hubad na si Ron habang nakaupo sa may lababo.

Pangkaraniwan ang itsura ng model-actor at wala siyang kadating-dating sa amin.

Ewan kung bakit napasama siya sa listahan.

***
Pampito ang tisoy na actor-model na si JON AVILA (25 y/o).

Naka-Bench Body underwear lang si Jon at in-splash ng tubig ang kanyang hubad na katawan.

Parang nawalan na rin ng dating ang Fil-Irish hunk.

***
Pangwalo si MACKY ESCALONA (23 y/o), ang dating basketball player ng Ateneo Blue Eagles na ngayon ay nasa PBA na.

Hubad si Macky habang nakaupo sa bench at may bola ng basketbol na nakatakip sa nota niya.

Wala kaming makitang anumang appeal sa nasabing basketbolista.

Malaking tanong sa amin kung bakit kasama siya sa listahang ito.

***
Pansiyam si GEOFF EIGENMANN (23 y/o).

Napakaguwapo ng binatang ito nina Gina Alajar at Michael de Mesa. Napakaamo ng mukha ni Geoff, ang ganda ng kanyang hazel brown eyes at pamatay ang boyish niyang ngiti.

Kaya lang ay medyo nagpa-cute pa siya sa pictorial. Basa ang suot niyang white brief dahil medyo nakalubog siya sa tubig sa bathtub, pero natatakpan ng braso niya ang kanyang harapan kaya hindi masipat ang kanyang bukol.

Ang ganda na ng katawan ni Geoff at delicious ang kanyang dating, kaya sana ay bumigay na siya sa sexy pictorial niya tulad ni Dingdong Dantes last year.

***
Pansampu si PAOLO CONTIS (24 y/o), na halatang full of confidence sa kanyang sexy pictorial.

Nasa ilalim din ng shower si Paolo, nakataas ang isang braso at kita ang kanyang ipinagmamalaking sexy abs. Medyo sumusungaw ang pubic hair niya habang umaagos ang tubig sa kanyang hubad na katawan.

Sa A Venue (parang NBC Tent pero mas maganda raw) sa Makati Avenue gaganapin ang 7th Cosmo Bachelor Bash sa Setyembre 11.

Ang covergirl ng September issue ng Cosmo mag ay si Maja Salvador.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: