Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Young actor buking sa pagnanakaw

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Young actor buking sa pagnanakaw

MAY news blackout ba sa pagkakadala sa isang young actor sa isang presinto dahil sa pagiging malikot ng kamay nito? Nag-shoplift pala ito sa isang kilalang gift shop sa isang mall. At noong sitahin siya ng mga nagbabantay ay nagwala pa raw ito hanggang sa ang mismong security ng natu­rang mall ang kumontrol sa kanya at dinala siya sa malapit na presinto.

Iyak nga raw nang iyak ang young actor at sinabi na hindi naman daw niya sinasadyang gawin iyon. Basta na lang daw niya kinuha ang isang item na hindi niya alam.

Pinagtataka lang ng mga bantay ng gift shop ay parang wala ito sa sarili, na bigla itong nagwala at nag-deny na nasa possession niya ang item.

Kung binalik na lang niya ‘yung item na ang halaga ay P300 ay wala sanang nadala sa presinto at magi­ging tahimik na lang sila sa nangyari.

“Gumawa pa kasi siya ng ingay at nagbanta pa siya na idedemanda niya kami dahil pinagbintangan namin siya. Hayun, kaya kami nagalit din at parang nagbabanta pa siyang magbasag sa shop.

“Buti na lang dumating agad ang security kaya tumigil siya. Pagdating dito sa presinto, paiyak-iyak pa siya. Artista talaga siya kasi ang galing umarte, huh!” kuwento ng isang taga-bantay ng shop.

Nagulat nga raw sila sa ginawa ng young actor na ito. Mukhang mabait pa naman daw ito at wala silang inisip na magnanakaw ito.

Sa halaga ng item na ninakaw niya, kayang-kaya niya itong bayaran dahil aktibo pa naman ito sa showbiz.

Nang dumating ang guardian ng young actor sa presinto para makiusap na pakawalan ito, sinabi nito sa shop owner na pagpa­senyahan na ang young actor dahil may pagka-kleptomaniac daw ito.

Noong bata pa raw ito, may ganyang sakit na ang young actor dahil minsan makikita nila na loob ng school bag nito na mara­ming mga gamit na hindi naman nito pag-aari.

“Nakiusap nga ang guardian ng young actor na huwag na namin kasuhan.

Kasi maliit na bagay lang naman at willing nilang bayaran. Pero hindi namin alam kung totoo o acting lang ang ginawa ng young actor.

Buti na lang at mabait ang guardian niya at nakiusap or else sasampahan namin ng kasong theft ang batang ‘yan.”

Nakiusap na lang ang guardian ng young actor na wala sanang lumabas na balita tungkol sa nangyari sa mga tabloids or else baka mawalan ng trabaho ang young actor dahil hindi nga naman magandang publi­city ang nangyari.

Abante Online

No comments: