Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Yilmaz Bektas calls Ruffa Gutierrez's mom "devil woman"


Yilmaz Bektas calls Ruffa Gutierrez's mom "devil woman"

Yilmaz Bektas calls Ruffa Gutierrez's mom "devil woman"

Tahimik na umalis at dumating ng bansa ang host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez. May nagsabi na nagpunta si Ruffa sa Europe at posibleng nakipagkita siya sa Turkish husband niyang si Yilmaz Bektas sa London.

"Hindi naman ako nawala. Nandiyan lang ako sa tabi-tabi," panimula ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng The Buzz last Sunday, July 13.

Maaaring post-birthday gift din daw ni Yilmaz sa kanya ang nakaraan niyang trip abroad.

"Naku, I don't want talk about him anymore. By the way I would like to thank everybody who watched My Monster Mom," biglang segue ni Ruffa.

BUSY RUFFA. Magiging busy na raw si Ruffa sa mga susunod na araw.

"Actually, magiging super busy ako starting end of July because pumapasok na yung schedule ng Betty La Fea. And then, magsu-shooting na rin kami ng Desperadas Part 2. So, talagang super wala na akong pahinga. Kasi ang schedule ko, Tuesday, Thursday, and Saturdays para sa Desperadas 2. Then, Monday, Wednesday, Friday, Betty La Fea. And Sunday, The Buzz. Kaya kailangan bitbitin ko na ang mga bagets kong cutie pie sa set lagi."

Hindi kaya mag-suffer ang quality time niya for her children?

"Hindi, that's why I think I'll just have to bring them to the set. Anyway, ang taping naman ng Betty will be on the studio. Gumawa na sila ng studio diyan sa itaas [building ABS-CBN]. So malamig, hindi na kailangang lumabas. May dressing room.

"So it will be very relaxed. Kaya excited ako na ganun gagawin yung Betty. Di ba, yung Kokey masyadong mainit yung mga lugar na pinagte-taping-an? So, yung mga bata umiiyak palagi. Ito, mas convenient for me."

SUPPORTING ROLE. May mga nagtataka naman kung bakit sa kabila ng lead roles na ginagawa niya sa pelikula ay pumayag siya na maging kontrabida ni Bea Alonzo sa I Love Betty La Fea.

"Well, actually, it's not really a kontrabida role. Ang role naman ni Daniella, e, it takes after Vanessa Williams in Ugly Betty. May pagka-Meryll Streep siya sa The Devil Wears Prada and may pagka-conniving siya, fashionista, uhm...ambisyosa. So, wala naman sigurong masama doon dahil hindi rin bagay kung ako ang maging si Ugly Betty, ‘no!"

Napanood ba niya nung unang ipinalabas ang Betty La Fea dito sa Pilipinas?

"Hindi ko napanood," sagot niya. "But actually, they told me not to watch it. Just watch the Colombian series, one episode lang and Ugly Betty, isang episode lang. Para I can give Daniella my own character; she would not only be conniving and ambitious but also parang funny in a way."

Willing pa rin ba siyang tumanggap ng supporting roles after Betty La Fea?

"Ah, depende naman sa role na dumarating. Ang dami namang offers na dumarating sa akin. Actually, lahat ng offers sa akin ngayon, comedy. Nakakaloka! Parang Comedy Queen na ba ako? Maganda, at least, very wholesome ang aking image. That's what I always pray for, may project na talagang wholesome."

But what if abalahin siya ng kanyang mga suitors?

"Hello! Wala pa. Alam mo kasi, hindi pa ako ready ngayon. I still have my ‘ex' lingering around the corners. So, until na nandiyan siya at patuloy na tine-text-text ako, at patuloy na tine-text si Mommy [Annabelle Rama], I think it's better na focus muna on myself and my work and my kids. It will come naman, e. Gusto ko munang tapusin ang nakaraan ko. Ang pag-ibig, hello! Madali na lang ‘yan."

Ibig bang sabihin ay hindi pa rin sila tapos ni Yilmaz?

"Hindi pa tapos in the sense na, you know, he's still there, minding my every move. Siya nga ang nagsabing move on. Parang everything na lang I do, tsinitsek niya. Kaya huwag na natin siyang pag-usapan. Naloloka ako! Pati si Mommy, tinawag na devil!" natatawang sabi ni Ruffa.

FROM MONSTER MOM TO DEVIL WOMAN. Bakit tinawag ni Yilmaz na "devil" ang mommy niya?

"Sinabihan niya sa text! Siya raw ang devil woman. From ‘monster mom' naging ‘devil woman' na siya. Nakakaloka!"

Dagdag ni Ruffa, "Ano, wala lang. Nag-aaway sila lagi sa text."

Ano ang sabi ng mommy niya?

"'Thank you, I'm very touched by the title,'" sagot ni Ruffa.

Alam ba ni Yilmaz na may movie sina Ruffa at Annabelle na My Monster Mom, kaya tinawag niya na "devil" ang kanyang ina?

"Oo, siya si Monster Mom. Baka hindi niya nakuha ang title. Akala niya, Devil Woman."

So, nag-aaway pa rin si Annabelle at si Yilmaz?

"That's why it's difficult for me to touch on that topic kasi, you know, I mean, I think I just want to do things quietly. I'm living my life quietly and at peace. I'm very happy with all the blessings coming my way."

Kaya ba may bodyguard na ulit na nakabantay sa kanya ngayon?

"Hindi naman. Before naman, talagang may security ako. Hindi na bago yun. Hindi naman over to the max, ‘no. Dalawang piraso lang sila," paliwanag niya.

Paano niya pinoprotektahan ang sarili niya ngayon?

"Whatever happens, I mean, the only thing that keeps me going is the encouragement, of course, by other people, ng mga taong nagmamahal sa akin, my family, and prayers. Yun lang naman.

"Kahit anong evil na paraan, kahit na sino'ng magtatangka sa amin ng masama, ang protection lang natin, Diyos lang naman, e. Kahit ano'ng gawin mong kumuha ka ng 55 na security and everything, if it's your time, it's your time."

RECHARGING BATTERIES. Isa raw sa dahilan kaya umalis ng bansa si Ruffa ay para makapag-relax bago niya harapin ang sunud-sunod na trabaho.

"Oo, kasi you know why? I'll be working really, really hard the next couple of weeks. So I think I also need tome to relax for my own. Magmuni-muni naman and to recharge my batteries. Kasi yung ibang artista ngayon, yung mga kabataan ngayon, di ba, nabe-burnout dahil sunud-sunod ang trabaho? Minsan nagpi-pictorial alas-tres ng madaling-araw?

"My gosh! Ayoko naman ng ganun. Wala na akong time mag-isip and mag-work. I want to give my best in everything I do. So, I did at least one. You know, katatapos lang ng Monster Mom, sunud-sunod naman ang shooting ng endorsements ko, before na maging super-grabe na naman ang trabaho.

"Pero ayokong umalis. Ayokong umalis, I just want a break. I think every artist needs also time to recharge their batteries. Kasi siyempre kung sunud-sunod ang trabaho mo, minsan nagiging redundant ang acting mo, pati hair mo. I mean, I think that every artist should really take time para paghandaan ang role nila.

"Gusto ko iba naman ang portrayal ko sa Monster Mom. Like sa Monster Mom, gusto ni Direk Joey [Reyes] OA ako doon. Yung mga sinasabi ng mga tao na OA ako, e, yun talaga ang gusto ni Direk Joey na OA ako, kaya OA ako doon."

Payag ba siya na magtuluy-tuloy na ang acting career ng mommy niya?

"Well, I think it keeps her busy. I'm happy, as long as masaya siya sa ginagawa niya. E, nakakaaliw nga dahil kung kailan siya naging 55, saka naman siya nagkaroon ng career! E, usually, ‘pag 55, bit roles ka na lang at saka extra. Sa kanya 'ata baligtad."

FILIPINO-TURKISH DAUGHTERS. Inamin ni Annabelle sa isang panayam namin na nag-aalala siya sa sobrang katapangan ng ugali ng bunsong anak ni Ruffa na si Venice. Aware ba siya tungkol dito?

"Well, I think both of them, may lahing nakuha sa akin, at may lahing nakuha sa kanilang Papey. May pagka-Turkish si Venice."

Ano ang plano niya? Paano ang disiplinang gagawin niya sa kanyang mga anak?

"Ah, sa tingin ko naman, right now, I try to discipline my kids as much as I can. So I already teach them what's wrong and what's right and every Sunday, dinadala ko rin sila sa fellowship. So, kung anuman ang mga character ng mga anak ko na minsan may pagkatapang, sign din yun ng pagiging Turkish nila because we can't hide the fact that Pilipino sila and at the same time they're Turkish also. So, I wanna also have them explore their culture but in a good way," pagtatapos ni Ruffa.




Source: PEP

No comments: