Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 22, 2008

Willie Revillame says he is just enjoying the fruits of his labor

Willie Revillame says he is just enjoying the fruits of his labor

Willie Revillame says he is just enjoying the fruits of his labor

Nagpaunlak ng panayam ang TV host-comedian na si Willie Revillame kay Cristy Fermin sa The Buzz noong Linggo, July 20. Dumating si Willie kasama ang kanyang apo na si Elijah o Eli, na anak ni Meryll Soriano sa aktor na si Bernard Palanca.

Usap-usapan sa showbiz ang balita, na unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), tungkol sa pagpapagawa niya ng kanyang last will and testament. Nakakaramdam na ba si Willie na hindi na magtatagal ang buhay niya?

"Alam mo, Tita Cristy, ganun talaga ang buhay. Anytime, hindi mo masabi ang buhay; baka bukas makalawa, wala ka na sa mundo. Inaayos ko lang lahat, okay. At ayoko nang magkaproblema yung mga taong iiwanan ko. Kahit sa kamatayan ko, gusto ko ako lahat. Para ‘pag namatay ako, wala na, maghihintay na lang sila. ‘Tsaka gusto ko masaya ang lahat. Basta yun ang gusto ko, praktikal," pahayag ni Willie.

Kinumpirma rin ni Willie ang una niyang pahayag na gusto niya na sa studio ng ABS-CBN siya iburol.

"Sa Studio 3 kasi napaka-memorable ng buhay ko," sabi niya. "Diyan ako bumagsak at diyan din ako umangat. So, gusto ko nandiyan ako. Kung ano ang ginagawa ko every day, yun din. ‘Tsaka gusto ko nga habang nakaburol ako, nagbu-Boom Tarat pa yung mga tao, e. Oo, para ganun kasaya. Iba. Ganun naman talaga, e. Nagkita-kita naman tayo dun."

WILLIE'S PROPERTIES. Kuwento pa ni Willie, ibinigay na niya sa panganay niyang anak na si Meryll ang bahay niya sa Capitol Hills. "At yung Tagaytay, inuuwian ko kapag weekend," dagdag niya.

Tinanong siya ni Cristy kung bakit marami siyang bahay at sasakyan.

"Wala kasing nagmamahal sa akin," birong seryoso ni Willie. "Hindi, kasi yung mga sasakyan, hilig ko na ‘yan maliit pa ako. Hanapbuhay, hilig ko na ‘yan. But anyway, yun ang nagiging inspirasyon ko, e. Yung every day, napapagod ako, gusto ko nakikita ko yung pinaghihirapan ko. Yung mga bahay, sa mga anak ko na ‘yan. Hati-hati sila."

Sinabi rin ni Willie na yung binibili niyang building sa Tomas Morato sa Quezon City ay very memorable para sa kanya.

"Alam mo yung building na yun, yung lugar na ‘yon sa Morato, nung drummer pa ako, diyan na kasi ako nakatira for 16 years. Nung drummer ako sa Birdland, nagdyi-jeep ako, e. Naglalakad ako, sabi ko, ‘Gustong-gusto ko ‘tong bahay na ‘to.' That was 25 years ago, mga ganun. Mga 15 o 17 ako noon. Ako po'y nagtatrabaho na bilang drummer sa halagang P165 a night. So, ‘pag dumadaan ako doon, ang ganda ng parking lot noon. Sabi ko, ang lawak, saka hanggang likod. Kaya sabi ko ‘pag ako'y sinuwerte, sana ito ang maging bahay ko."

WILLIE'S HEALTH. Kinumusta rin ni Cristy ang kalagayan ng kalusugan ni Willie.

"May problema ako sa aking intestine. May mga sugat because napabayaan ko ang sarili ko. Kasi sa Wowowee, alas-kuwatro na ako nagla-lunch, e. ‘Tapos nine o'clock [in the morning], nandiyan na ako. Nagre-rehearse na ako kung ano ang gagawin for the day.

"Eight-thirty, minsan nandiyan na ako. Hanggang gabi na ako diyan. One meal a day lang ‘ata ako, e. Napabayaan ko. So last year, nagpa-executive ako, naayos naman. Yung ulcer ko, ang dami. Pero pagpa-check up ko nung nagbakasyon ako last two weeks ago, may nakitang bara sa puso ko, isang vein."

Kaya pa rin naman daw gamutin ang pagkakasakit niya sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot. But just the same, nakahanda na rin daw sa lahat si Willie.

BILLIONAIRE TV HOST. Dagdag ni Cristy, walang duda na bilyonaryo na ngayon si Willie. Pero ang bilyon niya nagiging piso lang kapag hindi niya napapakinabangan.

"Balewala lahat ito," sabi ni Willie. "Ito ay pinapahiram lang sa atin. Kahit bilyonaryo ka pa, wala ito. Lahat ng ito, ini-enjoy ko lang kung ano meron ako. Nagsimula ako sa wala; ngayon nagkaron ka ng konti, eendyoyin ko na ‘yan kasi dapat mag-enjoy ka sa buhay. Kagaya ng ginagawa ko sa Wowowee... Ang dami kong kaso dati. Sa backstage, umiiyak ka; pero paglabas mo sa tao, kailangan masigla ka. 'Eto ang pinasok kong trabaho."

Sa kabila ng tagumpay, kontrolado pa rin daw ni Willie ang sarili niya.

"Hindi ako puwedeng magbago. Kung ano ang pagkakilala mo sa akin, ganun pa rin ang ugali ko. Umuuwi ako na naka-tsinelas, naka-shorts. Pagkatapos nito, ‘etong suot ko na ito, babalik na ako sa tunay kong buhay. ‘Eto, trabaho ko lang. Hindi ko ginagawa ‘to sa buhay ko dahil gusto kong sumikat. Hindi ko naman alam na ganun na kasikat ang Wowowee, doon ko na lang nakita sa abroad," pahayag ng TV host-comedian.

Kasunod nito ay inusisa ni Cristy ang lovelife ni Willie.

"Ako, alam mo naman ako, dumaan na ang bagyo, lahat, lagi na akong nakangiti. ‘Tapos pagpasok ko sa kuwarto ko, ako na lang ang nakakaalam sa buhay ko. Ngayon, kung meron man akong nagiging inspirasyon o anuman, yun naman ay kasama sa buhay," pagtatapos ni Willie.




Source: PEP

No comments: