Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Willie Revillame: "Ako pa rin ang masusunod kahit patay na ako."

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News


Willie Revillame: "Ako pa rin ang masusunod kahit patay na ako."
Willie Revillame: "Ako pa rin ang masusunod kahit patay na ako."

Marami ang nagulat, nag-alala at kinilabutan nang kumpirmahin mismo ni Willie Revillame na nagpagawa na siya ng last will and testament para sa mga maiiwan niyang mga mahal sa buhay kung saka-sakaling kunin na siya ng Nasa Itaas.

Higit pang nagdagdag ng pag-aalala sa ibang malalapit sa comedian-TV host ang kumpirmasyon din na may problema sa kanyang puso si Willie dahil mayroong isang ugat ang kanyang puso na hindi dinadaluyan ng dugo dahil barado.

READY TO "GO." Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Willie sa nakaraang book launch ng Dolphy, Hindi Ko Mararating Ito Ng Mag-isa na ginanap sa NBC Tent, The Fort, Taguig City, inesplika naman sa amin ng TV host na nagpagawa talaga siya ng last will and testament para sa preparasyon ng anuman na puwedeng mangyari sa kanya.

"Maganda na yun, praktikal. Dapat talaga may ganun kasi once na may nangyari sa akin, kung wala na ako, alam ko na di magkaproblema ang mga anak ko. Iba-iba ang mga nanay nila, gusto ko maayos ang lahat.

"Gusto ko, ako ang nag-ayos ng aking libingan, ako ang nag-isip ng aking isusuot para di na magkakagulu-gulo. Mahirap yung sasabihin ng isa, ‘Ito ang gusto ng tatay, ito ang dapat.' Wag na, sumunod na lang kayo sa gusto ko, ito ang ginusto ko, pinundar ko ‘yan para sa inyo, sumunod kayo. Ako pa rin ang masusunod kahit patay na ako."

Napag-usapan din namin ang problema niya sa puso kung saan kinuwento sa amin ng aktor na may blood clotting ang isa niyang ugat.

"Mayroon akong blood clotting, yung isang ugat dun, di pumapasok yung dugo. Titingnan kung ano ang magagawa nila. Kung anuman ang mangyari okey lang, ako naman anytime ready na ako sa anumang mangyayari. Tapos sa intestine ko, marami siyang sugat. Kapabayaan yun, may mga times na alam mo na naghihikahos ka sa buhay, na yung pagkain di pa regular, ganun talaga, kasama yun."

WAKE IN THE STUDIO. Sa studio ng ABS-CBN kung saan ginagawa ang Wowowee ang napiling pagbuburulan ng TV host. Ayon kay Willie ay memorable sa kanya ang nasabing studio dahil ito ang nakasaksi sa pagbagsak at pagbangon uli ng kanyang career.

"Gusto ko lang dun kasi dun ako nadapa, dun ako umangat kaya mahal na mahal ko ang istudyong iyon.

"Nung ginagawa pa lang ‘yung set ng Wowowee kasama ko yung mga karpintero, ‘pag may binabago kami sa set, binabantayan ko pa rin yung lugar. Nung bumalik ako ng ABS, yun ang agad ang pinuntahan kong studio, tiningnan ko para magpasalamat lang. Napaka-historical din nun kasi dun nagsimula si Nora [Aunor], nag-show dun si Vilma, lahat ng magagaling na artista sa pelikula at telebisyon, dumaan lahat dun."

MOVIE WITH PIDOL. Natapos ang pelikulang Double Trouble na pinagsasamahan nina Dolphy at Vic Sotto. Ibinalita naman sa PEP ni Willie na may pelikula rin pala silang balak gawin ng Comedy King. Papuri din at magagandang mga salita ang pinatungkol ni Willie sa hinahangaang komedyante.

"Mayroon kaming plano, actually nag-meeting na kaming dalawa ni Tito Dolphy. May ginagawa kasi akong movie ngayon, yung Mr. Housewife. After nun, ‘pag kaya ng sked ko at kaya ng sked niya, gagawa kaming dalawa.

"Alam mo si Tito Dolphy, kailangang-kailangan siya ng indutriya, inspirasyon siya ng bawat artista at inspirasyon siya ng bawat Pilipino. Sa akin ang Dolphy ay isang bigas, nagbubusog ng ating kalungkutan. ‘Pag wala kang makain, malungkot ka, siya pini-feed niya tayo ng kaligayahan."

NADINE. Bukas na aklat ang pagkakaroon daw sa ngayon ng bagong inspirasyon ni Willie, isang 19-year-old CEU student named Nadine. Hindi man diretsahang sabihin ay kitang-kita naman na inspired ang komedyante kay Nadine.

"Lagi naman akong masaya, lahat naman ipinagkaloob na sa akin ng Diyos. Sa sobrang blessings ko, ano pa ba ang hihilingin ko? Kung may dumating na magmamahal sa iyong tunay, darating naman yun," matalinhaga na lang niyang pagtatapos.



Source: PEP

No comments: