Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 20, 2008

WANTED: MAGPA-PLASTER SA NOTA NI PAOLO CONTIS

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

WANTED: MAGPA-PLASTER SA NOTA NI PAOLO CONTIS


INAAYOS na kung sinu-sino ang top 10 ng 2008 Bachelor Bash ng Cosmopolitan.

Ilan sa mga narinig naming kasali ay sina Derek Ramsey, Aljur Abrenica at Jake Cuenca.

Ang isa sa gustong isali ay si Paolo Contis na never pa nakapag-pictorial nang sexy.

Hindi pa nasubukan ni Paolo na mag-pictorial nang naka-trunks pero dahil sa kapangahasan ni Dingdong Dantes, na-kumbinsi si Paolo kaya panay ang ensayo niya at pagpapaganda ng katawan.

Sa totoo lang, ang ganda ng katawan ni Paolo kaya puwedeng-pwede na siya.

Nakahanda na siyang magpa-pictorial nang hubad pero ang gusto niya ay magandang exposure.

Kung maipapangako ng Cosmopolitan magazine ang magandang exposure, okay na okay kay Paolo na magpa-pictorial nang hubad.

Nag-iisip na si Paolo kung magpa-plaster ba siya o hindi dahil wala siyang alam kung paano maglagay ng plaster.

Hindi niya puwedeng ipagkatiwala kung kanino lang ang pagpapalagay ng plaster.

Kung si Isabel Oli naman ang magkakabit ng plaster sa kanya, baka hindi maikabit nang maayos.

Halaw sa panulat ni Abu Tilamzik sa Diyaryong Abante Tonite

No comments: