Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Vilma-Sharon movie, tuluy na tuloy na!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Vilma-Sharon movie, tuluy na tuloy na!


HINDI napigilang ibalita ni Sharon Cuneta sa presscon ng kanyang Megathirty concert na after ng movie niya with Richard Gomez, matutuloy na rin ang movie nila ni Governor Vilma Santos.

“Naku, hindi ko na napigilan talaga ang sa rili kong ibalita! Idol ko kasi siya kaya kung kailangang pagsilbihan ko siya sa set at tumunga nga lang sa kanya, gagawin ko! Ha! Ha! Ha!” fan na fan na tinuran ng megastar.

Looking forward din siyang makasama ang Comedy King na si Dolphy.

“And then, I can retire na!

“Well of course, one movie pa sana with Ro bin (Padilla) dahil with him, you’re always a princess on the set! Kahit na ganoon siya sa lahat! Ha! Ha! Ha!

“Yeah, that’s right! Before I retire, sana I can do a movie with KC,” dagdag pa ni Shawie.

Oo nga pala, ano ang feeling niya bilang ina nang gawin Ambassador ng UNICEF si KC?

“Alam ninyo, that is not an easy thing! May mga taga-UN talaga that went with her on that trip. Parang they were grading her at may ibang names pang sinubmit.

“Kasi bata pa siya, she wasn’t in the limelight pa, she was already like that!

“I guess it’s another honor and another feather in her cap. But she has the heart of giving and helping.

“You know for every success, mas malaki ang pasasalamat ng isang ina at mas sweet sa kanya at mas matimbang ang success ng anak niya. Kasi parang you did something right. And you can’t say that for every child that’s born, ‘di ba?

“Basta ako, I’m just very proud of KC. Twenty three na siya. Kahit bukas, kung gusto niyang mag-asawa, okey lang sa akin!

“I’m not going to pretend that I know what will make my daughter happy.

Basta, I want her to thank God for having a mother like me kahit hindi naman ako perfect.

“Kahit na anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Kung
ayaw niyang mag-asawa, okey lang basta bigyan niya ako ng apo! Ha! Ha! Ha! Groovy ako, eh!” pahayag ng megastar.

Ano ang masasabi niya sa pagiging daring ni KC sa pana namit o pagpapakita ng katawan?

“Naiinggit nga ako, eh! Ha! Ha! Ha!

“Totoo! Sinasabihan ko siya, kaya lang, it’s a new generation na nga.

“Heto lang ‘yon. I think she’s brave sa pagsusuot ng ganoong damit at mag-two piece. She’s young and she has it. Feeling ko kasi, alam niya na disente siya.

“Nagalit ako nang nag-two piece siya. Nagalit ako dahil hindi ako ganoon kapayat! Kami sanang dalawa sa billboard na ganoon ang suot! Ha! Ha! Ha!
“Kasi, nagtu-two piece ako noon. Hindi lang napa-publish! Ha! Ha! Ha!

Diyos ko, totoo ‘yon. Kung anu-ano ang binili ko noon, tapos sinabotahe ako. Binuntis ako! Ha! Ha! Ha!

“Dalawang beses ginawa ng asawa ko ‘yon! Sabi ko nga, next time, I’ll kill you! Ha! Ha! Ha!” pagbabalita niya.

Ano naman ang impressions niya kay Richard Gutierrez na nali-link kay KC?

“He impresses me. There’s so many actors who belong to Richard’s category and all of them strikes me as descent and handsome like Ri chard.

“To have Richard with KC in a movie is such a special. I don’t mind. Kung sinuman ang makakapagpaligaya sa anak ko, she knows what she’s doing.

“Umabot siya ng 23 na hindi niya pinapasakit ang ulo ko! Hindi nagda-drugs ang anak ko.

She drinks once in a while and sometimes with Kiko.

“She’s not a nerd. I was. She knows what she’s doing,” sey niya.

‘Pag sinabing buntis siya, okey lang sa kanya?

“Uhummm! Ha! Ha! Ha! Sasabihin ko, ‘Anak sana naman, parang napaka-pure ng iyong pagka babae at prinsesa, bakit 23 ka na, ngayon pa?’ Ha! Ha! Ha!

“Sabi nga niya noon, ‘Mama, I think I’m not the marrying kind!’ Hindi pa siya sure.

“But siyempre, every mother is dreaming of a nice wedding for her children lalo ‘pag babae.

“‘Pag sinabi niyang buntis siya, that’s okey, it’s your life. Basta sana ako, I prefer na sana ganito, being at a proper time and everything in place.

“Bahala siya. Matalino siya at matino! If she decides to have a baby, mas modern siya sa akin pero ubod ng tino lalo na sa generation na ito, huh!” paliwanag ni Sharon.

JUN NARDO
Abante Online

No comments: