Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 8, 2008

VICTOR BASA, NO MATCH KAY WILLIE REVILLAME NA KARIBAL KAY ROXANNE GUINOO

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News
VICTOR BASA, NO MATCH KAY WILLIE REVILLAME NA KARIBAL KAY ROXANNE GUINOO





















NAKAHARAP namin si Victor Basa sa presscon ng Star Magic's June birthday celebrators last Thursday.

Akala namin nu'ng una, wala man lang kaming mahuhugot na something controversial sa binatang ito na isa sa mga members ng Cover Boys.

But as we gon in our interview with him, nalaman naming best of friends sila ni Jake Cuenca na siyempre, ang common denominator nila ay si Roxanne Guinoo na ex ni "Palos" at ngayon ay nali-link naman kay Victor.

Sey ni Victor, "So far, friends lang kami (ni Roxanne)."

Nakakahiya raw kay Jake kung liligawan niya ang byuting bida ng Ligaw na Bulaklak. May tinatawag daw siyang "respeto" na puwede ring sabihing delikadesa. Ito ang reason kung bakit ayaw niya pang ligawan si Roxanne kahit alam naman ng lahat na hiwalay na ito kay Jake.

Kuwento ni Victor, present daw si Roxanne sa birthday celebration niya, pero nilinaw niyang... "As a friend, I invited her."

'Yun nga lang, nalaman naming wala si Jake sa party ni Victor dahil may ibang commitment kuno ito.

*****
NAIBALITA na namin minsan na type ni Papi Willie Revillame si Roxanne Guinoo. In fact, ito ang leading lady niya sa Mr. Housewife.

'Di ba natatakot si Victor Basa na makabangga si Papi?

Nag-smile lang si Victor at ang say nito..."All is fair naman in love and in war. At saka 'di ko naman nililigawan si Roxanne."

Aba, mukhang may takot ang binata kay Papi 'no?

At sa balitang magbubungee jumping kuno sina Papi at Roxanne, mensahe ni Victor, "Ingat sana!"

Sabi namin, "Kanino mag-iingat si Roxanne, kay Willie?"

Nilinaw kaagad ito ni Victor, "Sa pagba-bungee jumping siyempre. Baka madisgrasya!"

Aba, mukhang ingat na ingat talaga sa pagbibitaw ng salita si Victor, ha? Aba'y malaking pader ang kanyang makakabangga kung sakali. Iba si Papi 'pag na-in love.

Halaw sa panulat ni Len Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: