Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Vic at Pia, parang bagong magsyota

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Vic at Pia, parang bagong magsyota

SAKSI kami kung gaano ka-sweet off-cam ang mag-sweetheart na Vic Sotto at Pia Guanio.
Nang makasama namin ang dalawa kamakailan sa US show ng Eat Bulaga ay nakita namin kung gaano sila kainlab sa isa’t isa.

Pagkatapos ng mata­gumpay na Eat Bulaga Grand Fiesta sa Los Ange­les ay nag-sidetrip ang EB tropa sa Las Vegas bago bumalik ng ‘Pinas.

Nakasama namin sina Vic at Pia na manood ng Love (Cirque du Soleil show na tampok ang mga awitin ng Beatles) sa Mirage Hotel.
Walking distance lang ang Mirage mula sa Palazzo Hotel na tinuluyan namin at habang naglalakad kami ay feeling photographer si Pia na panay ang kuha sa grupo gamit ang kanyang digicam.
Panay ang kantiyaw ni Bossing kay Pia kapag medyo matagal itong mag-shot.
Itsura ng bagong magsyota ang dalawa habang binabaybay namin ang kalsada ng Las Vegas with matching HHWW (hol­ding hands while wal­king) at continuous lam­bingan.
Parang medyo nabasawan din ang pagka-‘sup­lado’ ni Bossing dahil sa nobya niyang bubbly at matsika.

Si Pia rin yata ang nakaimpluwensiya kay Vic na magbasa ng libro, kaya hanggang sa LA at Vegas ay may bitbit na book si Bossing para basahin.
Bukod sa Love ay nanood din kami ng Jersey Boys (Tony Award-winning musical tungkol kay Frankie Valli at sa kanyang ‘60s rock ‘n roll group na Four Seasons) sa hotel namin.
Kahilera namin ng upuan sina Vic at Pia kaya nakita namin na nag-enjoy si Bossing sa nasabing musical.

Palaging ‘chaperone’ ng dalawa si Jose Manalo, na karay-karay ni Bossing kahit saan. Pag nag-i-slot machine si Bossing sa Palazzo casino ay si Jose ang kasama niya, hindi si Pia.
Nang paalis na kami ng Vegas ay game na game sa pag-pose sina Vic-Pia sa camera namin.
Tsinek pa ni Bossing ‘yung kuha namin, sabay comment na mas maganda ‘yung shot na walang flash at available light lang.

Obyus na kuntento at masaya ang dalawa sa relasyon nila kaya tina­tawanan lang nila ang mga nangungulit kung kailan ang kasal nila.

Hindi sila dumaan sa mga wedding chapel sa Las Vegas kaya sure ka­ming walang quic­kie wedding na naganap habang nasa City of Sin kami.

No comments: