Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 10, 2008

Tatay Judy Ann Santos magiging problema sa kasal

Tatay Judy Ann Santos magiging problema sa kasal


Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin on speaking terms ang estranged parents nina Judy Ann at Jeffrey Santos.

Kahit nang ikasal ang kuya ni Juday na si Jeffrey, dumating ang kanilang ama pero never na napagsama nila sa isang litrato ang dating mag-asawa.

Since engaged na sina Juday at boyfriend nitong si Ryan Agoncillo, petsa na lamang ang hinihintay ng lahat at kapag dumating ang panahong ’yon, gusto ni Juday na parehong present ang kanyang mga magulang. Gusto rin siyempre ni Juday na ang kanyang parents ang magdala sa kanya sa altar. Siyempre, hindi magiging komportable ang mommy ni Juday na si Mommy Carol pero kung ’yon ang gustong mangyari ng kanyang bunsong anak, gagawin niya.

Natutuwa si Mommy Carol para kay Juday dahil nakikita niya rito kung gaano ito kasaya ngayon magmula nang dumating sa buhay niya si Ryan.

Although may apo na siya sa kanyang dalawang anak na sina Jeffrey at Jackie, gusto na rin niyang magkaroon ng apo kay Juday.

No comments: