Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Star Magic’s official statement on the Angel-Claudine salon issue

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Star Magic’s official statement on the Angel-Claudine salon issue





















Naganap na nga ang pag-uusap sa pagitan nina Claudine Barretto at Angel Locsin sa opisina ng Star Cinema noong July 23, 2008 na may kinalaman sa

sinasabing di-magandang pag-uusap ng dalawa noong July 4 sa isang salon sa

Quezon City.


Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap sa pagitan ng dalawa sa harap ng

ilang ABS-CBN executives at ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan,

nilatag ni Claudine at Angel ang kani-kanilang mga panig at damdamin

tungkol sa naganap.


At sa pag-uusap na ito, nabigyang-linaw ang mga sumusunod:

-Walang sigawang nangyari, walang nanipa ng kahit anumang gamit.

-Walang nagtaas ng boses, walang sigawan. Naging seryoso ang pag-uusap

at nagkaroon ng kaunting tensyon.

-Isa-isang nilatag ni Claudine ang kanyang mga saloobin, at ganoon din

si Angel. At dahil dito, napatunayang parehong walang kasalanan ang dalawa.

Nagkaroon lang ng miscommunication at napalaki pa ng mga intriga bago at

pagkatapos mangyari ang pagkikita sa parlor.

-Lumabas ang lawak ng pang-unawa ni Claudine, na naging tatak na niya

bilang ate sa mga nakababatang artista sa ABS-CBN.


Pagkatapos ng pag-uusap ay natuwa ang mga kasama sa meeting dahil sa

pagkakasundo ng dalawa at ang commitment na magsimula muli bilang

magkapamilya.


Ito lamang ang nasabi ni Claudine pagkatapos ng pag-uusap:


“Ipinagdasal ko ‘to, na maayos ang gusot na ito sa pagitan namin ni Angel.

Matagal akong nanahimik pagkatapos nang pagkikita noon sa salon dahil

ayokong lumaki ang issue. Aaminin kong naging masakit sa akin ang mga

nabasa ko sa mga diyaryo na hinusgahan na ako. Noong isa-isa na naming

nilatag ni Angel ang mga isyu at saloobin namin, dito na nabigyang linaw

ang lahat. At sa pagkakataong iyon, naging madali sa amin ang magpatawad,

anuman ang nangyari.”

No comments: