Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

Sori na lang sa siyete, nakapag-isip-isip na raw...JUDY ANN SANTOS, SA DOS PA RIN!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Sori na lang sa siyete, nakapag-isip-isip na raw...JUDY ANN SANTOS, SA DOS PA RIN!



MANANATILING isang Kapamilya si Judy Ann Santos! Sa katunayan, sisimulan na niyang i-shoot ang pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Humingi Ka Sa Langit under Direk Andoy Ranay's direction.

Ay dire-diretso na raw ang trabaho para sa Young Superstar. Just recently, nagkausap na siya at ang ABS management at maraming bagay daw ang naayos sa naging paghaharap nila.

"It was a very formal talk at naklaro naman lahat ng issues whatsoever...what happened. Marami rin akong na-realize sa aking pagbabakasyon, nakapag-isip-isip...

"Ano lang naman 'yun, test of patience and everything. And nabanggit ko rin naman 'yun na kung anu't anuman ang maging desisyon, maiintindihan sana ng mga tao na nagtatrabaho lang din naman ako." ayon kay Juday.

So there.

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: