Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 20, 2008

Sobrang lakas sa mga bossing...WILLIE REVILLAME, PINAKAMALAKING MAGPASOK NG DATUNG SA DOS

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Sobrang lakas sa mga bossing...WILLIE REVILLAME, PINAKAMALAKING MAGPASOK NG DATUNG SA DOS













KUNG may kompetisyon man ngayon sa mga reigning queens at prinsesa ng teleserye ng Dos, wala namang nararamdamang friction sa counterpart nila bilang mga hari at prinsipe ng mga pambatong palabas ng Kapamilya Network.

Drama king pa rin kung ituring si Aga Muhlach dahil patuloy na pinipilahan ang bawat movie na kanyang gawin. Samantala, sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Sam Milby naman ang mga Teleserye Princes at may kani-kanyang karisma sa viewing public.

Mapa-pelikula o teleserye, napatunayan na nila ang lakas ng kanilang hatak sa tao. Hindi sila nai-insecure sa popularidad ng isa't isa.

May kani-kanyang trono ang mga pambatong contract stars ng Dos. Sina Kris Aquino at Boy Abunda ang Queen and King of Talk Show. Si Edu Manzano ang Game Show King. Comedy King and Queen naman sina Dolphy at Ai Ai delas Alas.

Pero, isang katotohanan ang 'di mapapasubalian na top earner ng Dos ang nag-iisang si Willie Revillame na pambato ng noontime show na Wowowee na tinatangkilik at pinapanood hindi lamang sa 'Pinas kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo.

Hindi biro ang maghost ng isang noontime show araw-araw na tumatakbo nang tatlong oras sa ere. Pawis, pagod, dugo at sobra-sobrang enerhiya ang ibinubuhos sa Wowowee ni Willie Revillame.

Kaya naman, patuloy na pumapasok sa show ang malalaking commercials na pinanggagalingan nang milyones na kita ng Dos araw-araw.

Hindi seasonal ang popularidad ng Wowowee tulad ng iba na umaabot lang nang tatlo hanggang apat na buwan. Ilang taon nang namamayagpag sa ere ang Wowowee ni Willie Revillame kaya maituturing na rin siyang isa sa mga poste sa programing ng Kapamilya Network.

Kaya naman, deserving si Revillame sa importansiyang ibinibigay sa kanya ng mga big bosses ng Dos. In fact, sa birthday special na inihandog kay Dolphy bilang tribute sa Comedy King, may special participation ang Wowowee host kaya flattered ito at excited.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: