Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 8, 2008

SIKAT NA SINGER-ACTRESS, FLOP ANG MGA SHOWS AT MOVIE, PRESS RELEASE LANG NA NAGRE-RATE

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

SIKAT NA SINGER-ACTRESS, FLOP ANG MGA SHOWS AT MOVIE, PRESS RELEASE LANG NA NAGRE-RATE

BLIND ITEM 1: GUSTUNG-GUSTO namin ang bagong serye ng sikat na singer-actress. 'Yun lang ang show sa naturang network na pinapanood namin. Magaan ang istorya at nababagay sa kanya ang role.

Pero kalat sa text na flop daw ang mga projects ng singer-actress tulad nu'ng last movie niya, 'yung musical show niya na umeere ngayon at press release lang din daw na nagre-rate ang bago niyang show.

Humina na ba talaga ang hatak ng singer-actress at hindi na makalipad para pumailanglang ang kanyang popularidad?

The girl, bad 'yan...PALUSOT NG AKTRES, MAY SAKIT SIYA KAYA 'DI SINIPOT ANG PAGKILALA NG ISANG OKASYON SA KANYANG ASAWA

BLIND ITEM 2: BONGGANG-BONGGA ang alibi ng aktres sa hindi niya pagdalo sa isang okasyon. Hindi raw niya inisnab ang importansiyang ibinigay sa asawa niya, nagkasakit lang daw siya.

Paanong nagkasakit samantalang bago maganap ang okasyon ay tumanggi na siyang dadalo?

Magpaliwanag na lang siya sa mga kulisap dahil hindi makakalimutan ang ginawa niya. Siguradong tatandaan 'yan.

'Yun na 'yun!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: