Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 17, 2008

SI DINGDONG DANTES DAW ANG DAHILAN NG HIWALAYANG ANGELICA PANGANIBAN-DEREK RAMSAY

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

SI DINGDONG DANTES DAW ANG DAHILAN NG HIWALAYANG ANGELICA PANGANIBAN-DEREK RAMSAY











DREAM come true para kay Dingdong Dantes na makasama si Angelica Panganiban, kaya natuwa siya nang malamang magkakatrabaho sila ng Kapamilya star as endorsers ng Mario D'boro shoes.

Tulad ng ibang artista, bukas ang isip ni Dingdong na makatrabaho rin ang mga Kapamilya stars at hindi lang ang mga Kapuso. Masarap daw kasi ang feeling kapag lumalawak ang mundo ng mga artista at hindi 'yung sila-sila lang sa network ang nagkakasama at nagkakatrabaho.

Samantala, sa mga nagtatanong sa amin kung may kinalaman si Dingdong sa hiwalayan 'daw' nina Angelica at Derek Ramsay dahil na-link nga ang dalawa sa pagsasama nila sa Mario D' boro, walang katotohanan 'yun dahil kilalang professional si Dingdong at very much in love pa rin ito sa girlfriend na si Karylle.

Hindi rin si Dingdong ang tipong maninira ng relasyon o makikisakay sa isyu ng iba. Basta para sa kanya, trabaho lang ang pagsasama nila ni Angelica.

Halaw sa panulat ni Janice DS Navida sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: