Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

SHOW NILA NI PIOLO PASCUAL ANG MAIPAGMAMALAKI NI ANGEL LOCSIN SA MGA MAGIGING ANAK

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

SHOW NILA NI PIOLO PASCUAL ANG MAIPAGMAMALAKI NI ANGEL LOCSIN SA MGA MAGIGING ANAK

IPINAKITA na last Monday night ang kaabang-abang na eksena nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa Lobo kung saan ay pareho silang hubo't hubad. Hitsurang Adan at Eba ang dalawa habang binabasbasan ni Remus (Geoff Eigenmann) ang pagmamahalan nila at sinasabing, "Humayo kayo."

The scene was very well executed at talagang hindi mo maikukurap ang mga mata mo habang nanonood.

Mahaba-haba rin ang nude scene nina Piolo at Angel at may eksena pang habang lumalakad sila ay nasa likod ang camera at buung-buong nakita ang butt ng young actress.

Kinailangang magsuot ni Angel ng skin tone outfit just for that scene na napakaganda naman talagang lumabas.

Anyway, sa pagtatapos ng Lobo, we take off our hats to the whole production team including the cast and directors for a job well done. Definitely, ang naturang proyekto ay isa sa mga puwedeng ipagmalaki nating teleserye at tiyak, matatagalan bago ito makakalimutan ng mga sumubaybay.

Para naman kay Angel, sobrang memorable talaga para sa kanya ang serye dahil marami siyang eksenang dito lang niya ginawa. Dito rin niya pinatunayan sa lahat na puwede na siyang tawaging isang aktres dahil sa napakahusay na portrayal niya bilang Lyka.

Sa pagtatapos ng serye ay mixed emotions ang nararamdaman ni Angel.

"'Di ko maiintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Masasabi ko na sobrang maipagmamalaki ko ito kahit after 10 years, sa mga magiging anak ko. Masaya na malungkot kasi, 'di ko alam kung magkakatrabaho pa kami," sabi ni Angel.

Sila ni Piolo ay siguradong magkakatrabaho pa ulit dahil malapit na nilang simulang i-shoot ang first movie nila together under Star Cinema na kukunan pa sa Australia.

Hanggang Biyernes (July 11) na lang ang Lobo at huwag palampasin ang last remaining scenes lalo na ang ending. Sa Lunes naman ay uumpisahan nang iere ang pinakabagong teleserye ng Dos, ang Iisa Pa Lamang starring Claudine Barretto, Diether Ocampo and Gabby Concepcion.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: