Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

SEY NI RIZA SANTOS, 'DI RIN NAMAN SIYA NGINITIAN NI KATRINA HALILI

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

SEY NI RIZA SANTOS, 'DI RIN NAMAN SIYA NGINITIAN NI KATRINA HALILI



AYAW nang palakihin pa ni Riza Santos ang hindi nila pagkakaintindihan nina Katrina Halili, Alyssa Alano at LJ Reyes kaya ayon sa publicist ng Viva Artists Agency na si Doods Santiago, willing ang Fil-Canadian beauty queen at Second Big Winner ng PBB Celebrity Edition 2 na humingi ng paumanhin sa mga naturang Kapuso Stars kung na-misinterpret daw ang aksiyon nito.

Matatandaang last Saturday sa Startalk ay nagpahayag si Katrina na tiningnan siya nang masama ni Riza nang nginitian niya sa FHM party last week na ginanap sa World Trade Center. Diumano, ganu'n din daw ang ginawa ni Riza kina Alyssa at LJ.

Pero ayon naman kay Doods, nang makausap niya si Riza ay gulat na gulat daw ang dalaga na may ganu'ng issue. Nagkita nga raw sila ni Katrina sa CR ng World Trade Center pero hindi raw niya ito tiningnan nang masama at hindi rin naman daw siya nginitian ng actress.

With Alyssa naman ay hindi raw ito kilala ni Riza at ni-research pa raw ng dalaga sa Google kung sino ito, saka lang natandaan na nakita niya ang sexy comedienne pero hindi naman daw sila nagkaroon ng eye-to-eye contact tulad ni Katrina.

Nevertheless, gusto raw humingi ni Riza ng paumanhin sa mga ito kung na-misinterpret siya.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulga

No comments: