Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Sexy si Sarah para sa mga UAAP players!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Sexy si Sarah para sa mga UAAP players!
Written by Ambet Nabus

KAHIT KAMI AY nagulat sa isinagot sa amin ng mga UAAP players na nakapanayam namin kamakailan on our asking about their choices of celebrities who for them are sexy?
Among their choices kasi, naging interesante kami sa pagkakapili nila kay Sarah Geronimo na isang magaling na singer at ila-launch na nga rin as an adult movie actress sa Star Cinema film na A Very Special Love, with John Lloyd Cruz.


"Type namin kasi ‘yung long legs niya," sagot ng ilang guwapong players na nagbanggit ng name niya. "When she is on stage performing, she brings out a certain sexiness na wala sa ibang singers. Mahusay at malambing pang kumanta," dagdag naman ng iba.


O di ba, kakaiba ang karisma at appeal ng dalagang ito. Kuwelang-kuwela nga kami dun sa sun dance scene na ipinapakita ng trailer ng A Very Special Love. And we could only agree to their comments na may 'it' nga ang alindog ni Sarah! Now it can be told, hindi kailangang magpakita ng cleavage o ng kahit na anong 'skin' ni Sarah para mapabilang siya sa mga seksing babae ngayon ng showbiz. Kung tutuusin, mga showbiz outsiders ang naglarawan sa kanya at matatawag nating mga barako talaga with their kind of game, di ba? And for sure, nakita rin iyan sa kanya ng FHM, dahil among their 100 sexiest women in the world, pumasok ang makulit na singer-actress bilang #45 sa listahan nila. Bongga, di ba?




Source: PINOY PARAZZI

No comments: