Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Safe pa rin si Richard ‘pag tinatanong about KC

Safe pa rin si Richard ‘pag tinatanong about KC
Written by Archie de Calma

LET'S face it, mas marami ang interesado kay KC Concepcion para kay Richard Gutierrez kaysa sa leading lady niyang si Heart Evangelista sa Codename: Asero. Ito kasi ang walang humpay na kinukulit kay Richard.


Pero, mayroong iba na ngani-nganing mairita na sa masyadong playing safe na sagot ni Richard kapag si KC ang naitatanong sa kanya. Na kesyo wala pa raw talagang seryosong namamagitan sa kanila.


"'Pag magkasama lang kami ni KC, wala kaming ginagawa kundi tumawa lang nang tumawa," nasabi pa ni Richard. "Masaya, enjoy. Hindi na namin namamalayan kung minsan ang oras."


Nakatakdang lumipad sina KC at Richard papuntang Greece para sa pelikulang ginagawa nila para sa Star Cinema. Maaaring sa ganitong atmosphere, pupuwede talagang may kakaibang pangyayari na dapat nating abangan.


"Mahirap namang magsalita na parang napi-pressure na ako. One at a time 'yan, hindi puwedeng madaliin ang mga pangyayari. Mas maganda sigurong hintayin na lang ng mga tao," sabi na lang ni Richard.



Source: Pinoy Parazzi

No comments: