Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Sa ginawang expose s glutathione...KORINA SANCHEZ PANALO, LOREN LEGARDA PAHIYA

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Sa ginawang expose s glutathione...KORINA SANCHEZ PANALO, LOREN LEGARDA PAHIYA















PINANDIGAN ng respetado at palabang broadcaster at chief correspondent ng ABS-CBN na si Korina Sanchez na ang ginawa niyang expose sa gluta content ng produktong Lucida-DS at sa sister product nitong Vaniderm ay walang halong personal vengeance kundi bahagi lang ng kanyang trabaho bilang broadcaster at news correspondent.

Wala siyang personal na galit sa manufacturer ng Lucida-DS os sa mga kinuhang celebrity endorsers ng nasabing glutathione products. Hindi rin totoong ang senadorang si Loren Legarda ang target niya sa ginawang expose. Labas sa usapin dito si Sen. Loren at ang diumano'y matagal na nilang alitan at rivalry noong pareho pa silang broadcaster sa Dos.

Wala rin daw anumang political color ang ginawang expose ni Ms. Korina kaya hindi ito natakot at nag-alala nang makarating sa kanya ang balitang sasampahan siya ng libel case ng mga manufacturers ng Lucida-DS at Vaniderm, lalo na't sa isinagawang findings ng PIPAC (Phil. Institute of Pure and Applied Chemistry) ay kulang nga ang gluta content ng mga produktong kanyang in-expose.

Pumasok na rin sa nasabing kontrobersiya ang BFAD (Bureau of Food and Drugs) at naglabas na rin ito ng verdict at ni-recall na ang mga nasabing produkto na kulang ang glutathione content. Kaya naman masasabing vindicated si Korina Sanchez at ang ginawa niya ay para sa kanpakanan lang ng publiko.

Halaw sa panulat ni Erlinda Radas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: