Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Sa b-day party ni Cristy Fermin...SHARON CUNETA, TUMAKAS NANG MALAMANG LALAPITAN NI GABBY CONCEPCION

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Sa b-day party ni Cristy Fermin...SHARON CUNETA, TUMAKAS NANG MALAMANG LALAPITAN NI GABBY CONCEPCION


UM-ATTEND kami last Tuesday night sa birthday party ng isa sa mga inirerespetong kolumnista ng local showbiz na si Cristy S. Fermin sa Metro Bar sa West Avenue, QC. Talaga namang punumpuno ang nasabing lugar.

Isa kami sa mga early arrivals kaya nang dumating kami sa place, iilan pa lang ang mga artistang nandu'n. Visible si Chairman Edu Manzano who went table hopping at nakipag-beso-beso sa mga kilalang members of the press. Okey talaga ang PR ni chairman.

Mas maaga pa palang dumating kesa sa amin si Jennylyn Mercado. Touched kuno ang birthday celebrator sa pagdating nito. Ayon sa mga nakakita, mukhang hirap na kunong umakyat sa hagdanan si Jen at iika-ika na ito.

In two weeks time pala ay manganganak na ito. Isang alalay lang ang kasama niya at wala si Becky Aguila. Balita namin, nagpaopera ng tuhod ang manager ni Jen.

And speaking of Jennylyn, naikuwento kuno nito na suhi ang anak niyang isisilang. Pero we hope na maremedyuhan naman ito. Modern na ang technology ngayon.

May mga offers na raw si Jen after she gives birth at ready namang kumayod nang husto matapos isilang ang anak. Baby boy pala ito, at tiyak naming magiging pogi ito dahil maganda naman ang kombinasyon ng kanyang ama at ina.
&&&
AFTER we left, ikinuwento sa amin ni Karen (mommy ni Raphael Martinez) ang mga nangyari. Dumating daw ang mga big stars na sina Vilma Santos at Sharon Cuneta.

Somebody daw requested Gabby Concepcion (who also arrived later in the night) na batiin ang kanyang ex-wife na si Mega. Pero, mukhang may nakapagbulong daw kay Sharon na dumating si Gabby kaya bago pa makalapit ang aktor sa kinaroroonan ng Megastar, bigla nang nagpaalam ang mommy ni KC.

Halaw sa panulat ni Len Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: