Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 24, 2008

Sa ayaw at sa gusto ng madir ng aktres...JUDY ANN SANTOS, IHAHATID NG PADIR SA ALTAR

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Sa ayaw at sa gusto ng madir ng aktres...JUDY ANN SANTOS, IHAHATID NG PADIR SA ALTAR


Sa ayaw at sa gusto ng madir ng aktres...JUDY ANN SANTOS, IHAHATID NG PADIR SA ALTAR

LAST year ay naimbitahan kami ni Mommy Carol na mommy dearest ni Judy Ann Santos sa bahay nila para sa isang masaganang tanghalian.

Sa gitna ng kainan at kuwentuhan ay naitanong ni yours truly kung nasaan ang tatay ni Juday at ang kasagut-sagot ni Mommy Carol na tipong very casual lang ay..."Ay, wala na 'yun, patay na."

"Kelan pa namatay, mommy?" hirit na tanong uli ni yours truly porke intelligent person always asks questions, 'noh!

"Matagal na," ang parang wala lang na sagot nitech.

Pero nasulat kahapon sa isang tabloid na inimbitahan pala ni Juday ang kanyang ama sa kanilang kasal ni Ryan Agoncillo nu'ng mag-guest ang dalawa sa Eat...Bulaga! show sa USA at gusto raw ng aktres na ang biological father niya ang maghatid sa kanya sa altar if ever.

Naku, hindi kaya 'pag nangyari 'yun ay abot to the sky ang kilay ni Mommy Carol habang inihahatid nila sa altar ng biological erpat ni Juday ang kanilang bunso, if ever?

'Yan ang eksenang talagang kaabang-abang, if ever uli, devah naman mga klasmeyt nina Achilles at Tally Ho?

'Yun na!

Halaw sa panulat ni Mercy Lejarde sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: