Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Ryan Agoncillo returns to ABC-5 but remains a Kapamilya

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Ryan Agoncillo returns to ABC-5 but remains a Kapamilya

FIRST READ ON PEP: Ryan Agoncillo returns to ABC-5 but remains a Kapamilya

Nakita ng isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kanina, July 28, sa studio ng ABC-5 sa Novaliches, Quezon City. Akala ng aming source ay may binisita lang si Ryan sa network, dahil marami siyang naging kaibigan dito mula nang mag-host siya ng Philippine Idol.

It turned out, hindi simpleng pagbisita ang ipinunta ni Ryan sa ABC-5 studio. He was there to tape for his new show. Yes, he's back sa turf ni Tonyboy Cojuangco, may-ari ng ABC-5, dahil siya ang napiling mag-host ng game show na 50 Seconds to Fame. Wala pang balita kung kailan ang airing nito, pero ilo-launch daw ang show sabay ng iba pang bagong show ng istasyon.

Kuwento pa ng source ng PEP, hindi kinakitaan ng kapaguran si Ryan sa maghapong taping at ikinatuwa rin nito na masaya ang mga taga-ABC-5 sa kanyang pagbabalik. Ang unang balita nga ay dalawang shows ang ihu-host niya sa Channel 5, dahil bukod sa 50 Seconds to Fame ay may iho-host pa siyang talent show.

Nothing to worry ang Kapamilya fans ni Ryan, dahil hindi raw nito iiwan ang ABS-CBN. Kumbaga, may dumating na offer at wala pa naman siyang ginagawa sa kanyang home studio. Nagpaalam naman siya at pinayagan, kaya walang isyu at walang problema rito.

In fact, ang alam ng PEP, dalawang shows ang gagawin ni Ryan sa ABS-CBN. Isa rito ay ang matagal nang nabalitang Pieta at isa pang show na hindi pa maaaring pang isulat. Kaugnay nito, naghahanda ang Kapamilya network ng isang malaking presscon para sa isa pang show ni Ryan.

After ng mahaba-haba rin namang bakasyon, excited na si Ryan to be working again. Ang nagpapasaya sa kanya, hosting job ang kanyang gagawin na love niyang gawin at kung saan siya kumportable.

Sinabayan ng pagpapagupit ni Ryan ang bago niyang show. Bago ang hairstyle niya, clean cut na lalong nagpaguwapo sa kanya at bagay sa title niyang "debonair host."



Source: PEP

No comments: