Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

Ruffa Gutierrez nagtitipid

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Ruffa Gutierrez nagtitipid

Marunong din palang magtipid ang isang Ruffa Gutierrez. Yup, you read it right. Ilang beses niya ring nabanggit ang word na ‘kailangang magtipid.’ Though wala sa hitsura niya na nagtitipid siya ha. Kasi meron daw siyang dalawang anak na kailangang paaralin.

Kaya nga enjoy din siya na wala siya ngayong ginagastos sa bahay nila since sa bahay ng mommy niya siya nakatira. “Most of the expenses, si Richard talaga. Times are hard, nagtitipid na rin ako.

“Kinansel ko na nga ang birthday party ng mga anak ko,” kuwento ni Ruffa kahapon nang makatsikahan namin sa solo presscon para sa kanyang role sa I Love Betty La Fea, si Daniella kung saan siya ang main kontrabida na ayon sa kanya ay mamahalin ng mga fans.

Mahirap na raw ang buhay kaya lalabas na lang silang mag-anak sa birthday ng anak niyang sina Lorin and Venice. Besides, gusto rin daw niyang magkaroon ng social awareness ang mga bagets kaya imbes na isang magarbong birthday party, tuturuan niyang maging com­passionate ang dalawa sa mahihirap.

Pero pagdating sa sapatos, hindi siya gaanong nagtitipid dahil wala pala siyang size dito - size 10 ang aktres.

Sa abroad pa raw siya nago-order ng shoes at malaking part ng talent fee niya ang napupunta sa pagbili ng mga ginagamit niyang sapatos.

Kung sabagay balitang isa si Ruffa sa mga highest paid actresses ng ABS-CBN. In fact, usap-usapan noon pa na mas malaki ang talent fee niya kesa kay Kris Aquino nang mag-take over siya sa The Buzz. By P30,000 daw ang difference na siyempre ay hindi raw alam ni Ruffa. Basta maligaya raw siya sa kanyang talent fee. In fact, naka-schedule siyang mag-renew ng contract sa ABS-CBN.

Anyway, maligaya rin si Ruffa sa kanyang role sa I Love Betty La Fea. Bukod nga naman sa maganda niyang role, siguradong titingalain na naman siya ng mga bakla dahil sa mga damit niyang gagamitin, jewelries, shoes at kung anik-anik pa siyempreng may koneksyon sa fashion bilang si Daniella na may-ari nang pinagta-trabahuhan ni Bea (Betty). “Feeling ko gagayahin ang mga gagawin ko rito lalo na ng mga bading.”

Hate din ng character niya rito ang mga pangit na tao.

Actually, perfect for Ruffa ang role na Daniella na patterned sa character ni Vannesa Williams sa US version ng Ugly Betty.

Ang Philippine designers na binubuo ng mga de-kalibreng designer sa bansa ang magpo-provide ng mga damit niya rito. Pero yung mga bags daw, buti na lang pareho sila ng interes ng mommy niya kaya naghihiraman na lang sila.

Pero pagdating sa lovelife, ayaw muna itong pag-usapan ni Ruffa. “Wala munang lovelife.” At nang hanapin ang sinasabing seven-footer niyang suitor naging import ng PBA: “Di ba talo na sila, so he left kasi import siya. Wala na kaming communication.”

Saka mas bagets daw yun and this time: “I want somebody who’s older and wiser.”

At pagdating kay Yilmaz Bektas ayaw na nitong pag-usapan ang estranged husband.

At sa issue na aloof sa kanya si Bea Alonzo: “Tahimik lang talaga si Bea. Wala siyang star complex.

“Minsan ayaw niyang mag-stay sa dressing room namin, mas gusto niya sa dressing room ng mga bagets, so one time, nakipag-tsikahan ako sa kanila.

“Hindi naman ako intimidating,” say niya pero may kumontra sa sinasabi niyang yun na ikinatawa ng actress.

Ayaw naman niyang mag-react sa issue ng kapatid niyang si Richard sa Bench show at sa kanyang mommy.

“She’s like a bomb, she’s sometimes can be like a cannon ball. Magri-react siya ngayon, bukas sasabihin niya, “oh, really? Sinabi ko ba ‘yun?”

“At kami naman na mga anak niya, we just make sure na we give her a lot of vitamins and minerals to calm her down,” sabi ni Ruffa na wala na raw nararamdamang kahit konting insecurities sa buhay.

No comments: