Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Rufa Mae meets non-showbiz suitor while in US

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Rufa Mae meets non-showbiz suitor while in US

RUFFA MAE QUINTO


Bumalik na sa Pilipinas mula sa ilang linggong bakasyon sa US ang sexy-comedienne ng Kapuso Network na si Rufa Mae Quinto. Nakahanda na kaya siyang harapin ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza?

Sa birthday celebration kamakailan ni Dingdong, nagbigay siya ng mensahe na nais na nilang mag-asawa na tapusin ang hindi pagkakaunawaan kay Rufa Mae.

Ngunit nasa US si Rufa Mae kaya hindi kaagad siya nakunan ng reaksyon.

“Anong masasabi ko dun? balik na tanong ni Rufa Mae nang makapanayam sa Chika Minute portion ng 24 Oras. “Di ba sa TV yun e nasa states ako…hindi ko napanood (kasi) iba yun time zone."

Ayon kay Rufa na napapanood din sa number one telefantasya na “Dyesebel," matagal na niyang plano na magbakasyon upang bigyan ng pahinga ang sarili mula sa sunud-sunod na proyekto.

“Sunud-sunod po, di ba? Magmula sa ‘Apat-dapat,’ ‘Pasukob,’ ‘Desperada,’ tapos ‘Manay Po.’ Sabi ko after (the movie) ITALY, isang bagsakang pahinga tapos shooting uli. Para yun preparation ang tindi," paliwanag niya.

Kasama ni Rufa Mae sa ITALY ang mga kapwa Kapuso stars na si Dennis Trillo at Jolina Magdangal.

Inamin din ni Rufa Mae na habang nasa US ay nakipagkita siya sa isang non-showbiz na manliligaw doon. Nauwi kaya sa seryosong relasyon ang kanilang overseas date?

“Hindi pa, single pa...hangga’t hindi pa natatapos ‘tong single...para maramdaman ko po ang pagiging single… habang pino-portray ko ang mga eksena… para sa bayan," pagbibiro ng aktres.

No comments: