Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

ROBIN PADILLA, NAGSALITA NA KUNG BAKIT 'DI NAKI-JOIN SA PAG-RESCUE KINA CES DRILON SA SAYYAF

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

ROBIN PADILLA, NAGSALITA NA KUNG BAKIT 'DI NAKI-JOIN SA PAG-RESCUE KINA CES DRILON SA SAYYAF
















TINUKSO si Robin Padilla nang sa harap ng mga miyembro ng print media ay sinabi niyang 'di na niya kaya ang magkaroon ng romansa. Pero bigla siyang bumawi at nagsabing..."Kaya po ng katawan pero 'di na kaya ng iskedyul. Wala na pong panahon."

Naging hectic kasi ang schedule niya sa teyping ng nagtapos nang Joaquin Bordado na morning to morning ang trabaho. Tapos ay siya pa ang namamahala sa editing dahil siya ang fight director. Buti na nga lang daw at umiinom siya ng vitamins kaya lumakas ang resistensiya niya.

Samantala, sa tanong kung bakit 'di siya nakisali sa negosasyon sa pagpapalaya kay Ces Drilon at dalawang cameramen nito'y ito ang pah ayag niya, "Hindi naman ako kinausap ng gobyerno o ng kung sino pang ibang mamamagitan. Mahirap naman sigurong magprisinta ako."

Oo nga naman!

Halaw sa panulat ni Nene Riego sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: