Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 16, 2008

Robi Domingo blushed when he learned that Andi Eigenmann has a crush on him

Robi Domingo blushed when he learned that Andi Eigenmann has a crush on him

Robi Domingo blushed when he learned that Andi Eigenmann has a crush on him

Biglang namula ang mukha ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus first runner-up na si Robi Domingo nang malaman niya na inamin ng dalagang anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil na si Andi Eigenmann na crush siya nito. Hindi raw kasi alam ni Robi na crush pala siya ni Andi.

"Medyo mainit po ngayon, e," palusot niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa biglang pagpula ng kanyang pisngi. "Well, salamat kay Andi kasi maganda naman siya."

Ayon kay Andi, matagal na niyang kilala si Robi dahil magkatabi lang ang eskuwelahang pinapasukan nila. Sa Ateneo University nag-aaral si Robi samantalang sa katabing eskwelahan nito na Miriam College naman pumapasok dati si Andi. That time, pareho pa silang nasa high school.

"Matagal na po kaming nagkikita, pero hindi po kami nagkakausap. Parang ano po, social friends. Hi and hello lang kami kapag nagkikita sa Ateneo," sabi ni Robi.

Kuwento pa ni Andi, dati siyang nagho-host sa mga events ng Ateneo kung saan nakikita niya doon si Robie.

Sabi naman ni Robi, "Dati kasi, parang ang hirap po niya lapitan. Kasi celebrity na siya ‘tsaka parang ano po, mabait pong sobra."

Ni hindi man lang ba siya nag-attempt na makipagkilala at makausap si Andi?

"Nahihiya po ako dati, e," sagot niya.

Inamin din ni Andi na isa si Robi sa mga dahilan kaya pumayag siya na maging guest celebrity house player sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Grabe! Wala akong masabi talaga. Ah, wow!" reaksiyon naman ni Robi.

Ngayong alam na niya lahat ng rebelasyong ni Andi tungkol sa kanya, ano ang magiging reaksiyon niya kapag nagkita ulit sila?

"Wala, pareho pa rin po," ngiti ni Robi.

Pero si Robi raw kasi yung tipo ng binata na mas gusto niya na siya ang nanliligaw kesa siya ang nililigawan.

"E, crush lang naman po."

Posible ba na ligawan niya si Andi?

"Kung ano po, puwede po."

Si Andi na kaya ang maging frist girlfriend ni Robie?

"Depende po. Kasi medyo jampacked po ngayon ang schedule ko, e."

Pero ano ang dating sa kanya ni Andi?

"Nagagandahan ako sa kanya," sagot ng binata.

Pumunta ba siya sa debut ni Andi noong June 27?

"Pina-invite nga po niya ako sa friend niya. Kaya lang, hindi ako nakapunta kasi may workshop po ‘ata noon. Pero nagkita naman kami sa Star Magic Ball. Nag-sorry po ako sa kanya. Doon ko siya nabati. Tinanggap naman niya ang apology ko," kuwento niya.

May regalo ba siya kay Andi?

"Wala po. Nabigla po ako. Bigla ko na lang siyang nakita, e. Tatawagan ko po siya ngayon," pangako ni Robi.



Source: PEP

No comments: