Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 22, 2008

Riza Santos ‘di talaga kilala si Alyssa

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Riza Santos ‘di talaga kilala si Alyssa


Parehong humarap sa press kahapon ang may isyu ngayong sina Katrina Halili at Riza Santos. Alas-dose ng tanghali ang presscon/contract signing ng una sa OctoArts Films at 3:00 pm naman ang interview ng huli.

Ipina-interview ng Viva Artist Agency si Riza to air her side sa isnabang nangyari sa FHM event at mag-apologize kung may na-offend siya. Hindi man niya kilala ng personal si Katrina, knows niya ito at bumili pa nga si Riza ng DVD ng pelikulang Gigil na bida ang actress. Kung nagkaroon lang daw siya ng chance to introduce herself, ginawa niya, gaya nang ginawa niya kay Alessandra de Rossi at EB Babes.

Bago pa namin makaharap si Riza, nakausap namin ang isang taong malapit sa kanya at kilalang-kilala ang dalaga. Hindi ito makapaniwalang magagawa ng VAA talent ang inaakusa nina Katrina, Alyssa Alano at Iwa Moto, at naawa siya kay Riza.

Naloka raw si Riza sa isyung pang-iisnab at ‘di niya pag ngiti kina Katrina at Alyssa, dahil one minute lang silang nagkatinginan ni Katrina. Saka, paano raw sila magkakaharap,she was facing the wall at inaayos ang kanyang damit at si Katrina ay nasa kabilang side?

As for Alyssa, hindi siya kilala ni Riza at nakilala lang after nitong mag-Google (naku, baka ibang isyu na naman ito, pero nagsasabi lang siguro ng totoo ang dalaga). Hindi rin maintindihan ng defender ni Riza kung bakit sumawsaw sa isyu si Iwa, hindi naman daw ito kasali sa gulo ng tatlo.

Narinig na ang side nina Katrina at Alyssa sa isyung ito sa Startalk last Saturday at nagsalita na rin si Riza, hintayin natin ang side naman ni Iwa.

No comments: