Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Richard Gutierrez shares the same vision with "For The First Time" leading lady KC Concepcion

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Richard Gutierrez shares the same vision with "For The First Time" leading lady KC Concepcion

Richard Gutierrez shares the same vision with "For The First Time" leading lady KC Concepcion

Napakaraming "firsts" sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema. Isa na nga rito at masasabing major first ay ang pagkakataon na nakagawa ng movie ang isang Kapuso star sa bakuran ng Kapamilya network.

Kung i-describe ni Richard Gutierrez ang paggawa niya ng pelikulang For The First Time, na magsisimula nang mapanood sa mga sinehan on August 27, ay "exciting, fun, adventure, and memorable."

"Talagang I feel very blessed working with Star Cinema, working with KC Concepcion on her first movie. At talagang enjoy lang kami kahit mahirap ang shoot namin sa Greece, talagang enjoy kami bawat step ng paggawa ng pelikulang ito. Hanggang ngayon, nandito pa rin kami sa journey namin."

Suot-suot ni Richard ang isang bagay na ibinigay raw sa kanya ni KC noong nasa Greece pa sila. At ito ay ang necklace na may pendant na gawa sa pinatuyong lava ng bulkan.

"Si KC actually ang nag-introduce ng necklace na ito sa akin. Kinuha niya ‘ko at binigyan ko rin siya ng isa. Souvenir namin from Santorini. At meron pa..." natatawang sabi ni Richard. "Abangan n'yo sa movie. Makikita n'yo sa movie kasi suot-suot namin sa buong movie."

Sinabi rin niyang, "Binigyan ko siya ng bracelet at binigyan niya ‘ko ng necklace. May meaning po yun, pero binigyan na lang namin ng sariling meaning. Ibig sabihin, first time in Greece and with special someone at very positive, optimistic, and adventure."

Isa pa sa first na nagawa ng pelikula nila ay ang pag-imbita sa press conference nila ng TV crew ng Kapuso network. Nasa loob na nga mismo ng compound ng building at compound ng Kapamilya ang Kapuso reporters.

So, how does it feel na dahil sa pelikula nila, nagawa nilang pagsamahin ang parehong networks in covering their presscon?

"Para sa akin naman po, ito na po siguro yung moment na dumating na yung parang panaginip lang. Isang moment, isang vision na nakita namin ni KC na posible. Nangyari yung usapan namin ni KC na usapan lang...yung alam mong, kaya nating gumawa ng movie. Walang imposible.

"And we shared the same vision na ang ganda ng intention na one day, sana makatrabaho ako sa ABS-CBN at si KC sa GMA. To unite, na magkapit ang dalawang network na never mong nakitang magkaisa, for the first time," natawa niyang sabi upon using the title of their film.

"Ang sarap lang ng feeling na finally, we come to this point. Na ginagawa na natin ang movie. Nandito na tayo sa presscon at up to now, natupad na ang mga pangarap namin."

Sabi pa ni Richard, hindi lang daw alam ng mga tao kung gaano kahirap ang pinagdaanan nila para magawa lang ang movie.

"Siguro, ginawa lang din namin ito for the moviegoers and for the movie industry. ‘Di ba, let's do something different na magkaisa at mag-unite? Ipakita rin natin sa taong-bayan na kahit sa movie, kahit na ang industriya natin, nagkakaisa. Siguro kahit paano, mai-inspire rin natin ang ibang tao na magkaisa. Yun lang, masayang-masaya lang po akong talaga."



Source: PEP

No comments: