Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 10, 2008

Richard Gutierrez on choosing between Heart and KC: "Kung sino ang mas masarap sa kanilang magluto!"

Richard Gutierrez on choosing between Heart and KC: "Kung sino ang mas masarap sa kanilang magluto!"

Richard Gutierrez on choosing between Heart and KC: "Kung sino ang mas masarap sa kanilang magluto!"

Pinagpawisan ang young actor na si Richard Gutierrez sa sunud-sunod na interview sa kanya pagkatapos ng grand launch ng bago niyang action-adventure series sa GMA-7, ang Codename: Asero, na ginanap sa AFP Theater last July 9. Sinamantala na kasi ito ng entertainment press dahil paalis si Richard with KC Concepcion for Greece para sa shooting ng first movie team-up nilang For The First Time under Direk Joyce Bernal for Star Cinema.

Inamin ni Richard na medyo slim siya ngayon dahil na rin sa rigorous training at taping nila ng Codename: Asero, na nagsimula sa Dubai last May. Nataon na sobrang init noon ang temperatura sa Dubai at sa gitna pa ng disyerto ang location nila. Biro nga ni Richard, para maiwasan ang dahan-dahan nilang "pagkalitson" sa init ng araw doon, maaga pa'y nagsisimula na silang mag-taping ng co-stars niyang sina Heart Evangelista at Janno Gibbs under Direk Mark Reyes. Pagdating ng 10 or 11 a.m., bumabalik na sila sa hotel.

Unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Richard ay kung ano ang ginawa niya para kay Heart noong time na nagte-taping sila sa Dubai habang dumaranas ng lungkot ang young actress dahil sa breakup nila ni Jericho Rosales.

"Natutuwa ako na noong trying times ni Heart, ako ang nandoon," nakangiting sagot ni Richard. "I'm her friend kaya nag-open up siya sa akin. Usually, hindi ako nagbibigay ng advice kung hindi naman ako hinihingan. Kaya after niyang ikuwento lahat, ang sabi ko lang sa kanya, to take her new project as a blessing, dahil dumating ito sa time na kailangan niyang may pagkaabalahan. Gawin niyang challenge ito kung paano niya iha-handle ang situation at maging happy always sa mga dumarating sa kanya."

Gaano ba ka-special si Heart sa kanya at pumayag siyang makasama ito sa giant billboard ng Codename: Asero?

"Walang kaso sa akin ‘yon dahil I think she deserves to be in the billboard. Pareho naman kaming naghihirap sa paggawa ng aming series. At maganda naman, di ba?" saad niya.

HEART VS. KC. Gaano ba niya kakilala si Heart? Sino ba between Heart and KC Concepcion ang mas gusto ni Richard?

"Ayaw ko namang i-compare sila sa isa't isa," pag-iwas ni Richard. "Pero matagal na rin naming friend ni Raymond [his twin brother] si Heart. And what you see is what you get kay Heart. She's straightforward, totoo siyang tao, hindi siya naglilihim sa akin.

"Si KC, sweet lang talaga kami. Noon pa rin naman namin siya kilala at normal na sa amin ‘yong mag-holding hands kami kapag magkasama. Hindi naman namin ‘yon itinatago sa mga tao kahit nakikita kami!" natatawang sagot ng young actor sa comment na nahuhuli raw silang magka-holding hands ni KC.

Gaano na ba kalalim ang relasyon nila ngayon ni KC? Hindi ba siya binabawalan ng GMA Network na pag-usapan si KC, na katambal niya sa pelikula ng Star Cinema?

"Kami ni KC, we live for the moment," sagot ni Richard. "Basta she's irresistible and extraordinary for me. Happy kami kapag magkasama. No, hindi po ako pinagbabawalan ng GMA Network. May permission naman nila ang pagtatambal namin ni KC kaya hindi talaga maiiwasan na mapag-usapan siya.

"Ako naman po, after that major relationship [with Georgina Wilson], tinatanggap ko muna lahat ng mga bagay-bagay. I'm absorbing everything. Binabalanse ko ang oras ko. I'm working hard. Pa-date-date pa lang muna. Basta masaya ako sa mga nangyayari sa akin ngayon."

If ever, sino ba ang pipiliin niya kina KC at Heart?

"Kung sino ang mas masarap sa kanilang magluto!" nagbibirong sagot ni Richard. "Pareho raw silang marunong magluto pero hindi ko pa natitikman ang mga luto nila. Si Heart, nag-promise na ipagluluto ako ng sikretong special dish niya. Pero dahil busy kami pareho, hindi pa ‘yon natutuloy."

KC'S FAMOUS PARENTS. Nagkita na ba sila ng ama ni KC na si Gabby Concepcion at okey ba naman siya rito?

"Once pa lang po, noong wake ni Tito Rudy [Fernandez]. Hindi nga lang po kami matagal na nagkausap kasi ang daming tao noon. Okey naman po siguro ako sa kanya!" natatawang wika ni Richard.

Binanggit namin sa kanya na naitanong ng PEP kay Gabby noong presscon nito ng Iisa Pa Lamang kung okey sa kanyang maging boyfriend ni KC si Richard. Sagot ng aktor, kung sino raw ang mamahalin ng anak niya, doon siya.

Balita ring dinalaw ni Sharon Cuneta ang shooting nila ni KC sa Tagaytay a week ago. Totoo bang pinagalitan sila ng ina ni KC?

"Hindi po!" bulalas ni Richard. "Ang totoo po, bumisita lang siya sa amin at friend din po kasi niya si Direk Joyce. Nagdala lang siya ng pagkain para sa aming lahat. Nag-order po siya sa isang Italian restaurant at ipina-deliver ‘yong food. Hindi po siya masyadong nagtagal sa set, siguro mga more than one hour lang siya nag-stay."

Kumusta naman si Sharon, okey ba siya rito?

"Every time naman po na nagkikita kami ni Tita Sharon, she's always very nice to me, she's very sweet, and I'm very thankful for that."

Sa Monday, July 14, ay parehong magpa-pilot ang Codename: Asero ni Richard at ang Iisa Pa Lamang ni Gabby. Pero hindi naman sila magkakatapat ng timeslot dahil ang series ni Richard ay ipalalabas pagkatapos ng 24 Oras at makakasabay ng The Singing Bee sa ABS-CBN. Ang teleserye naman nina Gabby ay ipalalabas pagkatapos ng My Girl at makakatapat ng Ako Si Kim Samsoon sa GMA-7. Paano kung nagkatapat nga ang series nila ni Gabby?

"Kahit po anong katapat ng show namin, okey lang. Kung nagkatapat po, di mas masaya at mas magiging makulay ang gabi," sagot ni Richard.

Sa Sunday, July 13, ay puwedeng magkita sina Richard at KC sa SOP dahil ipu-promote doon ng huli ang debut album nito from Sony BMG Music, ang a.K.a. Cassandra at si Richard naman ay nandoon para sa big promo ng Codename: Asero. Pero baka raw mauna si KC sa kanila dahil tutuloy pa ito para naman sa mall show niya sa SM Mall of Asia in the afternoon. Sa gabi, tutuloy na sila sa NAIA para mag-check-in ng baggages nila dahil past midnight, July 14, ang flight nila for Greece.

Biniro namin si Richard na four shooting days lang sila sa Greece at ang ibang araw ay gugulin na lang nila para mamasyal doon.

"Hindi po, three days po kami free para mamasyal at mag-shopping. Sasamantalahin na namin ‘yon ni KC dahil pareho naming gustong mapuntahan talaga ang Greece," natatawang pagwawakas ni Richard.


Source: PEP

No comments: